Misis ni Alfred Vargas, nagsilang ng healthy baby boy

by Jojo Gabinete
Dec 23, 2018
PHOTO/S: @alfredvargasofficial Instagram

Nanganak na ang misis ni Quezon City Fifth District Representative Alfred Vargas na si Yasmine, bandang 8:30 p.m., nitong nakaraang Sabado, December 22.

Isinilang ni Yasmine ang isang healthy baby boy via normal delivery.

Pinangalanan ng couple na Alfredo Cristiano IV ang kanilang unico hijo.

Ang dalawa pa nilang anak ay sina Alexandra at Aryana Cassandra.

Continue reading below ↓

Sa susunod na buwan pa sana ang due date ni Yasmine, pero napaaga ang pagsilang niya dahil posible raw na napagod siya sa Christmas shopping at talagang malaki ang bata para sa gestational age nito.

Two weeks advanced ang pagdating ni Alfredo Cristiano at 2.8 kilograms ang estimated weight niya, isang araw bago siya iluwal ng kanyang ina.

Ipinaaabot ni Congressman Alfred ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa ligtas na panganganak ng kanyang asawa.

Maligaya rin sina Alfred at Yasmine dahil natupad ang kanilang mga ipinagdarasal na normal at malusog si Alfredo Cristiano.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, December 23, ipinakita ni Alfred ang litrato ng sanggol na anak nila ni Yasmine.

Sabi ng kongresista, "Thank you for all your messages of love and support! They truly kept us strong throughout this journey, especially @yasmine_vargas2307 [heart emoji]

"Thank you for your prayers. They worked! God is indeed great! Merry Christmas and a Blessed New Year to all!

Continue reading below ↓

"#vargasnapagibig #alfredocristianovargasIV #grateful #thankyoulord #alfredvargas"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @alfredvargasofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results