Lumalabas na ang former news anchor at broadcast journalist na si Jay Sonza ay isa sa netizens na nagpakalat ng maling impormasyon hinggil sa alleged home address ng Ateneo de Manila Junior High School student na nanakot at nanakit ng kaklase nito.

Base ito sa Facebook post ni Jay, noong December 21, kung saan inilathala niya ang isang home address sa Cainta, Rizal, kalakip ang tanong na "Dito po ba nakatira si kid bonsai?"
As of 7:00 p.m. kagabi, December 24, ay makikita pa ito sa Facebook account ni Jay.

Isa si Jay sa netizens na tumuligsa sa bullying incident sangkot ang high school students sa Ateneo.
Pero napag-alamang peke ang home address ng high school bully na kumalat sa social media, na siya ring ipinost ni Jay sa kanyang Facebook account.
Dahil dito ay dumanas ng prank deliveries ang pamilya ng isang pastor na nagngangalang Rully Taculod, ang tunay na may-ari ng bahay.
Si Joshua Mark Taculod, isa sa mga residente ng home address na inilabas ni Jay sa social media, ay umapela sa publiko hinggil sa hindi inaasahang harassment na nararanasan ng kanilang pamilya.
Kung anu-anong mamahaling produkto at pagkain ang idine-deliver at naka-charge sa bahay nila, gayong wala naman silang ganoong mga order.
Lumalabas na bahagi ito ng pranks ng kung sinumang galit na netizens na pinagkamalang home address iyon ng Ateneo high school student na nanakit ng kaklase nito.
TACULOD FAMILY'S OFFICIAL STATEMENT
Nag-isyu si Joshua ng official statement sa pamamagitan ng Facebook posts noong December 22 at 23.
Dito ay nakasaad na ang pamilya Taculod ang may-ari ng kumakalat na pekeng home address ng estudyanteng sangkot sa bullying incident.
Kasabay nito ay inimbitahan ni Joshua ang mga tao na makiisa sa kanilang praise and worship gathering noong Linggo, December 23, upang ipagdasal ang Ateneo high school bully, mga biktima nito, at pati na rin ang ibang mga nakaranas ng pambu-bully.
Dagdag ni Joshua: "Also let us pray for all the people who were victimized by spreading misinformation to others.
"Let us pray for everyone that God will clear our minds and thoughts. In everything give thanks to God for this is His will.
"Peacemakers Christian family Church."
Nanawagan at nakiusap din ang isang Jewel Taculod na huminto na ang mga tao sa pagpapakalat sa maling home address, dahil apektado na ang kanilang pamilya.
Kaugnay pa rin ng prank calls sa iba't ibang fast food chains na nag-aatas ditong magpadala ng pagkain sa kumalat na pekeng home address ng Ateneo high school bully.
Pahayag ni Jewel: "Please stop spreading our residential address. We do not know this bully..
"THE ADDRESS POSTED IN THE COMMENTS SECTION IS FAKE AND NOT LEGITIMATELY THE BULLY’S ADDRESS.
"Please stop. May pamilya po kayong naaapektuhan. Please stop buying or ordering online to be delivered in our address!!! Please stop!"
APOLOGY FROM JAY?
Tugma ang home address ng pamilya Taculod sa home address na ipinost ni Jay.
Hindi kailang madalas batikusin ni Jay Sonza ang veteran broadcast journalists na sina Mike Enriquez at Arnold Clavio na maging responsable sa kanilang news reportage.
Bagamat burado na sa Facebook page ni Jay ang pekeng home address ng bully as of 7:53 p.m. kagabi, December 24, inaasahan ng Cabinet Files na hihingi ito ng dispensa dahil nakadagdag pa ito sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
Importante na humingi si Sonza ng paumanhin sa Taculod family dahil ito ang kailangan at nararapat.