MMFF entry na Aurora, "tribute" sa mga biktima ng MV Dona Paz tragedy

MMFF entry na Aurora, "tribute" sa mga biktima ng MV Dona Paz tragedy
by Jojo Gabinete
Dec 25, 2018
PHOTO/S: Screen cap from Aurora trailer

May "tribute" si Yam Laranas—direktor ng Metro Manila Film Fest entry na Aurora—sa mga biktima ng trahedya ng MV Doña Paz. 

 IMAGE Screen cap from Aurora trailer on YouTube

Ito ang passenger ferry na bumangga noong December 20, 1987, sa oil tanker na MT Vector sa Dumali Point ng Tablas Strait na malapit sa Marinduque province.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang MV Doña Paz tragedy ang isa sa mga itinuturing na deadliest peacetime maritime disasters sa kasaysayan, dahil 4,386 na tao ang nasawi dala ng paglubog ng ferry na ito.

Overcapacity noon ang MV Doña Paz at wala sa manifesto ang karamihan sa pangalan ng mga pasahero.

Ito ang isa sa inspirasyon ni Direk Yam sa horror movie na Aurora, na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Anne Curtis.

May-ari si Anne ng isang inn at pumayag siyang hanapin ang mga bangkay na naiwan sa lumubog na barkong MV Aurora, kapalit ang PHP50,000 para sa bawat katawan na makukuha niya at maibabalik sa mga pamilyang naulila.

Nasabi namin na "tribute" ni Yam sa MV Doña Paz tragedy ang Aurora, dahil Victor Paz ang pangalan ng kapitan ng barko na may kagagawan ng paglubog ng fictional MV Aurora sa pelikula.

Noong August 2009, naglabas ang National Geographic Channel ng documentary tungkol sa MV Doña Paz—ang itinuturing na counterpart sa Asia ng RMS Titanic, ang barkong bumangga sa iceberg at lumubog sa North Atlantic Ocean noong April 15, 1912.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi hamak na mas matindi ang nangyari sa MV Doña Paz dahil 4,386 ang nasawi kung ikukumpara sa 1,503 casualties ng RMS Titanic.

Samantala, kung lumubog sa dagat ang MV Aurora sa kuwento ng pelikula ni Yam, lumubog din ang float ng Aurora sa putik sa ginanap na MMFF Parade of Stars.

Kaya hindi ito nasakyan nina Anne Curtis, Marco Gumabao, at iba pang artistang bahagi ng pelikula.

Dala ng tuluy-tuloy na pag-ulan kaya nabalahaw ang anim sa walong karosang lumahok sa parada, na ginanap sa Paranaque City, noong December 23. 

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen cap from Aurora trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results