Reunion movie ng original Sang'gres ng Encantadia, mapapanood na sa February 2019

by Jojo Gabinete
Dec 25, 2018
PHOTO/S: @dianzazubirismith Instagram

Tapos na tapos na ang shooting ng iflix movie nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri sa ilalim ng Sang’gre Productions, pero hindi pa sila pinapayagang sabihin ang pamagat ng kanilang project na may tentative date of airing sa February 2019.

 IMAGE @dianazubirismith Instagram

Ayon kay Sunshine, nag-enjoy sila sa shooting ng project nila sa iflix dahil bukod sa pagiging mga bida, sila ring apat ang executive producers ng drama-fantasy movie. 

Continue reading below ↓

Idinirehe ito ni Mark Reyes, na siya ring direktor ng Encantadia, ang top-rating telefantasya ng Kapuso Network, kung saan nakilala sina Sunshine, Iza, Karylle, at Diana bilang mga Sang'gre noong 2005.

"Sobrang nag-enjoy kami sa production side, tutok talaga.

"Kami ni Diana ang sumisilip sa expenses report. Sina Karylle and Iza, ayaw nila ng numbers kaya sa marketing aspect sila. Balanseng-balanse kami.

"Si Direk Mark naman is on the creative side," kuwento ni Sunshine sa taping ng Inagaw na Bituin, ang upcoming afternoon drama series ng GMA.

Ipinagmalaki rin ni Sunshine na ang original Encantadia ang "number one" Pinoy series sa iflix kaya natuloy ang project nila para sa video-on-demand subscription company.

"Posibleng yung fans namin, nag-asawa na rin yan, at yung mga anak nila na ang nanonood ng Encantadia.

"Parang hindi naman naluluma yung istorya ng original Encantadia. Siguro, mas maganda lang ang effects ngayon, pero story-wise, maganda pa rin.

Continue reading below ↓

"Nandoon pa rin yung magic, hindi puwedeng maluma. Classic talaga siya, it ages well."

Laking-pasasalamat ni Sunshine dahil kahit 13 years na ang lumipas mula nang pagbidahan nila nina Iza, Karylle, at Diana ang Encantadia ay marami pa rin sa kanilang fans ang gustong makita sila sa isang reunion project.

Nakangiting sabi ni Sunshine, "Yung fan base namin before sinabayan lang kami.

"Even our simple social media posts, every time na sabay kaming nagpo-post, grabe yung likes and comments. Amazing talaga.

"May clamor talaga ang fans na magsama-sama kami."

Noon lang nakaraang linggo, namataang magkakasama ang original Sang'gres sa wedding ni Iza sa longtime boyfriend nitong si Ben Wintle, na ginanap sa Club Paradise Palawan, sa Coron, Palawan. 

Continue reading below ↓
 IMAGE @m_sunshinedizon Instagram
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @dianzazubirismith Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results