Nalalapit na ang pagbabalik-pelikula ni dating Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.
Ngayong araw, December 26, inilabas ng direktor na si Rico Gutierrez ang teaser na ginawa niya para sa Alyas Pogi 2019, kaya nagkaroon ng mga speculation na ito ang comeback movie ni Bong sa darating na taon.

Apat na taon at anim na buwang nakulong si Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ng Camp Crame, dahil sa kasong plunder at diumano'y pakikipagsabwatan niya sa pork-barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.
Pero pinawalang-sala si Bong ng Sandiganbayan noong December 7, 2018.
Noong nakapiit pa si Bong, madalas nitong nababanggit na malaki ang kanyang utang na loob sa Philippine movie industry dahil ito ang nagbigay-katuparan sa lahat ng mga pangarap niya.
Palagi ring sinasabi ng dating senador na miss na miss na niya ang paggawa ng pelikula, at kapag nakalaya siya ay tiyak na babalikan niya ang kanyang acting career.
Apparently, ang Alyas Pogi 2019 ang unang movie project ni Bong sa 2019, sa produksiyon ng kanilang family-owned film company, ang Imus Productions Inc.
Ang Alyas Pogi 2019 ang pang-apat sa Alyas Pogi movie franchise ni Bong, na pawang mga blockbuster nang ipalabas sa mga sinehan—ang Alyas Pogi: Birador ng Nueva Ecija noong 1990, ang Alyas Pogi 2 noong 1992, at ang Alyas Pogi: Ang Pagbabalik noong 1999.
Henry Cruz ang pangalan ni Bong sa Alyas Pogi series na nagmarka sa publiko dahil sa kanyang classic line niyang "Anak ka ng teteng."
Maririnig din ang linyang ito sa teaser ng Alyas Pogi 2019: