Anne Curtis on cloud nine dahil patok sa takilya ang Aurora

by Jojo Gabinete
Dec 26, 2018
PHOTO/S: @annecurtissmith Instagram

Nangyayari sa kasalukuyan kay Anne Curtis ang kasabihan na "good things come in threes," dahil patuloy ang winning streak sa box office ng mga pelikulang ginawa niya ngayong 2018.

 IMAGE @annecurtissmith Instagram

Certified hit ang Sid & Aya: Not a Love Story, ang tumatak na romantic-drama movie nina Anne at Dingdong Dantes, na pinalabas sa mga sinehan noong May 30. Naiulat na umabot ng PHP160M ang total gross nito.

Continue reading below ↓

Halos PHP100M naman ang naitalang worldwide gross ng BuyBust, ang hardcore action film ng aktres, na may playdate noong August 2018. 

At pinipilahan ngayon sa takilya ang Aurora, ang horror movie ng Viva Films at Aliud Entertainment na official entry sa 44th Manila Film Festival (MMFF).

Nadagdagan na ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng Aurora para ma-accommodate ang mga gustong manood ng pelikula ni Anne.

Tuwang-tuwa si Anne sa mainit na pagtanggap ng moviegoers sa Aurora kaya ipinaparating niya sa lahat ang kanyang taos-pusong pasasalamat.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, December 26, pahayag ni Anne: "Masaya si Leana. Maraming Salamat sa lahat ng reviews nyo sa AURORA, at sa lahat ng nanood at manunuod pa lang, Maraming Maraming Salamat po!!!!"

Dagdag niya sa Twitter, "Best way to celebrate my 21st year in the industry! Amazing Filipino films with Amazing Filipino directors!"

"Elevated horror" ang description ng direktor na si Yam Laranas sa Aurora, na sinabayan naman ni Anne ng galing sa pag-arte sa pelikula.

Continue reading below ↓

Mahalaga ito sa Kapamilya actress dahil sampung taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon siya ng pelikula na kasali sa MMFF—ang 2008 movie na Baler na nagbigay sa kanya ng best actress award.

Magaganap bukas, December 27, ang Gabi ng Parangal ng MMFF sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

At nagkakaisa ang mga nakapanood ng Aurora na malaki ang tsansa ni Anne na manalo ng best actress award dahil sa performance at elevated acting na ipinakita niya rito.

Kaya naman napalitan ng ligaya ang lungkot na naramdaman ni Anne nang lumubog sa putikan ang gulong ng float ng Aurora.

Matapos itong mabalahaw ay hindi na nagamit pa sa MMFF Parade of Stars, sa Parañaque City, noong Linggo, December 23.

Isang eyewitness ang nagsabi na gumawa si Anne ng paraan para hindi tuluyang madismaya ang libu-libong fans na binale-wala ang malakas na buhos ng ulan para makita lamang siya nang personal.

Continue reading below ↓

"Hindi po niya tinahak yung ruta ng parade since personal car niya lang po at Viva Films vans ang nag-convoy.

"Nag-hello po si Miss Anne sa fans sa starting point ng parade, tapos dumiretso na siya sa Aseana,” ang kuwento sa Cabinet Files na saksi sa eksena na "nagpasakit" sa puso ni Anne.

Sa tapat ng Shopwise sa Soreeno Street sa Sucat nagsimula ang parada at nagtapos ito sa Aseana City.

Bawing-bawi naman si Anne, lalo pa't positibo ang box-office results ng pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @annecurtissmith Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results