Jackie Forster, binigyang-linaw ang pagkikita nila ni Kobe Paras sa Hong Kong

May paglilinaw si Jackie Forster tungkol sa pagdiriwang nila ng Pasko ng kanyang anak na si Kobe Paras sa Hong Kong.

Ito ay matapos maglabas ng "detalyado" na balita hinggil dito ang ibang news website (hindi ang PEP.ph), gayong ibinase lamang ang kuwento sa Instagram posts ng dating aktres.

Nagpunta sa China si Jackie at ang kanyang tatlong batang anak, dahil sinamahan nila ang Dutch husband niyang si Michael Franken para sa "look and see" nito.

Pagkatapos ay nagtungo sila sa Hong Kong upang makipagkita kay Kobe roon.

Si Kobe ay bunsong anak ni Jackie sa ex-husband nitong si Benjie Paras.

"We are in China for a look and see so we decided to fly to Hong Kong so we can meet Kobe," ang clarification ni Jackie sa Cabinet Files.

Dagdag niya, "After our look and see, we will fly to Dubai for New Year,

"Kobe was so happy. He says he hasn’t had a happy Christmas in 5 years."

View this post on Instagram

Christmas lunch??? happy tummies ???? #grateful #familyftravels

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

Ang pagkikita nila sa Hong Kong ang unang Pasko na nakasama ni Kobe ang kanyang mga kapatid sa ina.

Ito rin ang unang Pasko na nakapiling ni Kobe si Jackie, makalipas ang labindalawang taon na estrangement nila sa isa’t isa.

Sa London na nakabase si Jackie kasama ng kanyang second family.

Noong January 22, 2018, natanggap niya ang phone call mula sa noo'y U.S.-based na si Kobe.

Dito ipinagtapat ni Kobe na high-school student pa lamang siya, gustung-gusto na niya na makipag-reconcile sa kanyang ina.

Mula nang magkausap sila ni Kobe sa telepono, bumalik na sa normal at lalong naging maganda ang relasyon ni Jackie sa pangalawang anak niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN