Regal Entertainment Inc., ni-reveal ang movie line-up at stars na may big break sa 2019

Regal Entertainment Inc, ni-reveal ang movie line-up at stars na binigyan ng big break sa 2019
by Jojo Gabinete
Dec 28, 2018

Bago nagsimula ang press preview ng One Great Love sa Director’s Club ng SM Megamall noong Sabado, December 22, ipinakita ng Regal Entertainment Entertainment Inc. ang full trailer ng upcoming movies nila na ipalalabas sa mga sinehan sa 2019.

Mga datihan at baguhang artista ang binigyan ng malaking break ng movie company ni Mother Lily Monteverde at ng kanyang anak na si Roselle sa 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Jessy Mendiola at Arjo Atayde ang lead stars ng Stranded.

Tungkol sa dalawang tao na-stranded sa isang opisina dahil sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa Metro Manila ang kuwento ng Stranded.

Magiging hudyat ito upang makalapit ang kalooban ng kanilang mga karakter. 

Ang writer, cinematographer at, indie filmmaker na si Ice Idanan ang direktor ng pelikula.

Hindi lamang si Ice ang pinagkatiwalaan ng Regal Entertainment Inc. sa  paggawa ng pelikula, dahil direktor na rin ang It’s Showtime writer at comedian na si Alex Calleja.

Si Alex ang direktor ng Papa Pogi, ang comedy movie na pinagbibidahan ng Rocksteddy frontman at It’s Showtime co-host na si Teddy Corpuz.

Si Myrtle Sarrosa ang leading lady ni Teddy sa Papa Pogi.

Thankful si Enzo Pineda dahil leading man naman siya sa Time & Again, ang romantic drama movie na mula sa direksyon ni Joey Reyes.

Si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ang kapareha ni Enzo sa biggest movie break nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Balik-Regal ang writer-director na si Jason Paul Laxamana dahil project niya ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

Sina Tony Labrusca, Jerome Ponce, Jane Oineza, at Myrtle Sarrosa ang mga bida sa youth-oriented movie offering ng Regal Entertainment Inc. sa 2019.

Ipinakita rin sa press preview ng One Great Love ang full trailer ng Mina Anud, ang indie movie ng Epicmedia, na ire-release sa mga sinehan ng Regal Entertainment Inc.

Mga artista ng Mina-Anud sina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

Inspired ng mga tunay na pangyayari noong December 2009, ang plot ng Mina-Anud ay iikot sa high-grade cocaine bricks na natagpuan na palutang-lutang sa karagatan ng Eastern Samar.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results