Prince Stefan, kinumpirmang hiwalay na sa boyfriend niyang si Paolo Amores

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2018

Naka-move on na si Prince Stefan mula sa break up nila ng kanyang boyfriend at Singapore-based model na si Paolo Amores.

Sa pagpasok ng 2019 sa susunod na linggo, ang higit na mahalin ang sarili at mag-concentrate sa showbiz career ang ilan sa mga New Year’s resolution niya.

"May boyfriend na rin siya, at time for me to be happy," ang sagot ni Prince nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Continue reading below ↓

Mahahalata sa mga pahayag ni Prince na iniiwasan na nito na mapag-usapan ang dating karelasyon, dahil hindi na niya sinagot ang tanong tungkol sa kanyang mga isinakripisyo para sa pag-ibig.

Right now, walang-wala sa plano ni Prince ang magmahal muli dahil iba na ang priorities niya.

"Wala akong plans but loving myself, yes," giit ng aktor.

Ilang buwan nang hiwalay si Prince kay Paolo, pero ngayon lang isinapubliko ng Starstruck4 runner-up ang kanyang single status.

Kinumpirma niya ito sa pamamagitan ng Instagram post niya kahapon, December 27.

Makikita sa litrato na mayroon siyang hawak na isang brand ng condom, kalakip ang pahiwatig na advocate siya ng safe sex.

Ani Prince sa kanyang mapangahas na caption, "Thank you for my amazing gift. Will for sure use it since I’m single again and ready to mingle."

View this post on Instagram

Thank you @durex_ph for my amazing gift. Will for sure use it since im single again and ready to mingle�??? #safesex #SafetyIsSexy

A post shared by Prince Stefan (@stefantheroyalprince) on

Sa karagdagang pahayag ni Prince sa Cabinet Files, nabanggit niyang marami siyang pagsubok na pinagdaanan buhat nang aminin niya sa publiko ang tunay niyang sexual orientation noong 2016.

Continue reading below ↓

Pero nananatili raw matatag si Prince dahil sa kanyang malakas na pananampalataya sa Diyos.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results