Coco Martin, may resibo ng kanyang pagtungtong sa Eat Bulaga studio

Coco Martin, may resibo ng kanyang pagtungtong sa Eat Bulaga studio
by Jojo Gabinete
Dec 28, 2018
PHOTO/S: @mr.cocomartin Instagram

Hindi natuloy ang hinihintay na guest appearance ng si Coco Martin sa GMA Network noontime show na Eat Bulaga!, kung saan mainstays sina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Tiyak na patok sana kung bumisita roon ang Kapamilya actor para i-promote ang pelikulang pinagtatambalan nilang tatlo, ang Metro Manila Film Fest entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

 IMAGE Mark Atienza
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon sa isang insider, hindi na kinaya ng busy schedule ni Coco ang dumalaw sa APT Studios, ang bagong tahanan ng Eat Bulaga! sa Cainta, Rizal.

"Wala talagang time na mag-guest sa Eat Bulaga! dahil hectic na ang schedule niya. Nagkasakit pa siya during the promo," paliwanag ng kausap ng Cabinet Files na may kinalaman sa production ng Jack Em Popoy.

Pero kahit papaano ay bumawi naman si Coco, na minsan nang nakatungtong sa Eat Bulaga studio.

Ngayong Biyernes ng gabi, December 28, nagpost si Coco sa Instagram account niya ng litrato, kung saan pinagigitnaan niya ang cast at staff na bumubuo sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Kahilera ni Coco ang co-stars na sina Vic, Maine, Tirso Cruz III, at Mark Lapid.

Kuha ang litrato sa old studio ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum, Quezon City, dahil dito shinoot ang mga eksena nang sumali sa Mr. Pogi contest si Jack, ang karakter na ginampanan ni Coco sa pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tatlong lovestruck emojis ang simpleng caption ni Coco sa kanyang pagtungtong sa studio ng Kapuso blocktimer.

View this post on Instagram

�???�???�???

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on



Best Float, Best Editing, at FPJ Memorial Award ang mga parangal na tinanggap ng pelikula nina Coco, Vic Sotto at Maine Mendoza sa awards night ng 44th MMFF, na ginanap sa The Theatre at Solaire sa Parañaque City, noong December 27.

Grade A ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Maraming moviegoers at film critics ang pumupuri sa pelikula, kaya nakapagtataka na hindi naging runner up sa best-picture category ang Vic-Coco-Maine starrer.

Gayunman, malaking bagay marahil para sa stars at staff nito na patok sa takilya at patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga sinehan na pinagtatanghalan ng kanilang pelikula.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @mr.cocomartin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results