One Great Love, nadagdagan pa ng sinehan

by Jojo Gabinete
Dec 29, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang limited cinemas na pinagtatanghalan ng One Great Love ang diumano’y dahilan ng pag-iyak ni Kim sa Instagram story video ng kanyang boyfriend na si Xian Lim, pero wala nang dapat ikalungkot ang aktres dahil nadaragdagan na ang bilang ng mga sinehan ng pelikula nila nina Dennis Trillo at JC De Vera na tinanghal na 3rd Best Picture ng 44th Metro Manila Film Festival.

 IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Regal Entertainment Inc. producer Roselle Monteverde na nagkaroon ngayon ng additional theaters para sa One Great Love, at umaasa siyang maipalalabas din sa mga sinehan sa Greenhills at Taguig area ang pelikula na ayon sa word of mouth ay talagang worth watching.

Si Eric Quizon ang direktor ng One Great Love pero lumipad siya sa US noong December 23 para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon sa piling ng kanyang ina at kapatid.

Hindi na nakasali si Eric sa Parade of Stars noong December 23 at hindi na rin siya nakadalo sa Gabi ng Parangal ng 44th MMFF, pero nasa Amerika man siya, tumulong ang actor/director sa promo ng pelikula sa pamamagitan ng halos araw-araw na pagsusuot ng One Great Love t-shirt.

Ikinatuwa ni Eric ang 3rd Best Picture award na natanggap ng kanilang pelikula kaya pinasalamatan niya ang lahat ng mga nakatrabaho.

“Congratulations Team One Great Love! Special mention to Dennis Trillo and Miguel Mendoza for winning Best Actor and Best Musical Score respectively, with 11 nominations to add to the elation we are feeling right now!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Thank you Mother Lily Monteverde and Roselle Monteverde. Sa lahat ng bumubuo ng pelikulang One Great Love, maraming maraming salamat sa inyong lahat!

“Marami kayong matututunan tungkol sa love and relationships. Still showing and growing strong,” ang pasasalamat ni Eric.

On the other hand, hindi nakadalo si Dennis sa Gabi ng Parangal dahil may sakit siya, kaya hindi niya personal na natanggap ang kanyang Best Actor trophy.

Nag-post si Dennis sa Instagram account niya ng kanyang acceptance speech, samantalang ang manager niyang si Popoy Caritativo ay nag-post naman ng throwback picture nang manalo si Dennis bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival noong 2004.

Kasama ni Dennis sa 14-year old photo sina Popoy at Roselle, dahil ang Regal Entertainment Inc. din ang nagbigay sa kanya ng big break sa pelikula, ang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita na mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ang Best Supporting Actor trophy para sa nabanggit na pelikula ang unang acting award ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Coincidentally, pareho sila ni Joel na big winners sa katatapos lang na awards night ng 44th Metro Manila Film Festival dahil nanalo ng Best Director award ang veteran filmmaker para sa Rainbow’s Sunset.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results