Edu Manzano, minamadali ang kasal nina Lucky Manzano at Jessy Mendiola?

Naka-tag sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kaya marami ang naintriga sa video ni Edu Manzano na nagtatanong ng “Ano ang plano mo, 2019 na!" at may caption na “Will the Girl in the Orange Dress turn into a Girl in the White Dress?”

Nagkaroon ng mga wild speculation na posibleng minamadali na ni Edu na pakasalan na si Jessy ng kanyang anak na magkasama na nagbabakasyon at magdiriwang ng Bagong Taon sa South Korea.

Sorpresa naman para kay Edu ang pag-uwi sa Pilipinas ng US-based children niya na sina Addie at Enzo para sama-sama sila sa pagsalubong sa pagpasok ng 2019.

Pero hindi pa rin kumpleto ang kanyang mga anak dahil nagbabakasyon sa South Korea si Luis na hindi na nakansela ang matagal nang nakaplanong biyahe nila ni Jessy.

Incidentally, si Edu ang isa sa mga special guest ni Luis sa last two episodes ng I Can See Your Voice, ang music game show ng ABS-CBN na magwawakas sa January 6 pagkatapos ng isang taon at tatlong buwan na pamamayagpag sa telebisyon.

Hindi mababakante si Luis sa pagtatapos ng I Can See Your Voice dahil muling mapapanood sa Kapamilya Network simula sa January 7, 2019 ang kanyang popular game show na Minute to Win It.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN