Lolo ni Ariella Arida, hinirang na World War II hero

by Jojo Gabinete
Dec 30, 2018
PHOTO/S: File

Lolo ng former Miss Universe Philippines 2013 at TV host na si Ariella Arida si Ponciano “Sabu” Arida ng Sta. Maria, Laguna.

 IMAGE File

Itinuturing na bayani ng World War II si Sabu dahil sa pakikipaglaban niya sa mga sundalong Hapon.

Siya ang kinikilala na pinakabata at pinakamatapang na guerilla fighter ng Pilipinas dahil sa edad na labing-isa, limang Japanese soldiers ang napatay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ariella, kapatid sa ama ng kanyang lolo si Sabu na sumakabilang-buhay sa edad na 37.

Ang kabayanihan na ipinakita ni Sabu ang dahilan kaya inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani.

“Thirty seven years-old siya nang mamatay.

“Sakit sa baga, according to his son Maximino.

“Just recently, nang mag-viral ang litrato ni Lolo Ponciano, people started tagging me and asking if we’re related.

“Then, my tita posted a photo of him.

“Dun ko na-confirm na kamag-anak pala namin siya,” kuwento ni Ariella tungkol sa koneksyon niya sa youngest guerrilla fighter noong World War 11.

“Inilibing si Lolo Ponciano sa Libingan ng mga Bayani.

“Siya ang Hero of Ipo Dam dahil siya ang nagtirik ng bandera ng Amerika sa bundok ng Ipo Dam.

“Wala pang kinse ang edad niya, kasama na siya ng mga gerilya laban sa mga Hapon.

“Since wala ako actually na kilala masyado na Arida kundi ang relatives ko, when I knew about Ponciano Arida who’s part of the guerilla fighters, super nakaka-proud na relative ko pala siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Who would have thought na galing pala ako sa matapang na angkan?

“I mean, a clan who’s ready to fight for our country?

“Maybe same reason, when I represented the Philippines in Miss Universe 2013, I got this feeling na gusto ko talaga siya ipanalo to give pride to our country,” dagdag pa ni Ariella tungkol sa kabayanihan ng lolo niya.

Postscript: Kung nakipaglaban sa Japanese soldiers ang kanyang Lolo Ponciano, nagpunta naman si Ariella sa Japan noong nakaraang buwan para tuklasin at pag-aralan ang kultura ng nasabing bansa na napapanood sa I Dream of Japan, ang show niya sa ANC.

 IMAGE @araarida on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang depressed Filipina na nagpunta sa Japan para mawala ang lungkot na nararamdaman ang role ni Ariella sa I Dream of Japan.

“Instead of normal hosting for a travel show, we did some drama while showcasing the beauty of Japan, eating delicious Japanese dishes, experiencing the traditional Japanese culture and adult nightlife in Tokyo,” pahabol ni Ariella tungkol sa kanyang television show sa ANC.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results