Pops Fernandez, producer ng bagong comedy film ni Ai Ai delas Alas

by Jojo Gabinete
Jan 1, 2019
PHOTO/S: Instagram

Ang dating Concert Queen na si Pops Fernandez ay hindi na lang concert producer, pinasok na rin niya ang pagpoprodyus ng pelikula ngayong 2019.  

Si Pops ang producer ng Feelinials, ang comedy indie movie na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

 IMAGE Instagram

Ang GMA Network resident director na si Rechie del Carmen ang director ng Feelinials, ang tawag sa mga tao na nagpi-feeling millennial.

Continue reading below ↓

Ratsada rin si Ai Ai dahil ang Feelinials ay isa lamang sa tatlong movie projects niya.

Ngayong January 2019, inaasahan na matatapos niya ang shooting ng Sons of Nanay Sabel ng Viva Films.

Co-stars niya rito ang kanyang alagang hip-hop group, ang Ex Battalion, na sasabak sa kauna-unahang pelikula ng mga miyembro nito.

Pagbibidahan din ni Ai Ai at Super Tekla ang Kambal Karnabal, na magsisimula ang shooting sa January 5.

Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng GMA Films, na magiging active na muli sa paggawa ng pelikula.

Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng Kambal Karnabal na napagkakamalang spoof ng Kambal, Karibal, ang matagumpay na prime-time series na siyam na buwan na napanood sa Kapuso Network.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results