Luis Manzano, ratsada sa TV hosting sa ABS-CBN ngayong 2019

by Jojo Gabinete
Jan 1, 2019
PHOTO/S: Screen cap from I Can See Your Voice

Magwawakas sa January 6, 2019 ang I Can See Your Voice, pero may kapalit agad ang magpapahingang weekly music game show na hinu-host ni Luis Manzano sa ABS-CBN.

 IMAGE Screen cap from I Can See Your Voice

Katunayan ay tila Monday to Sunday ay mapapanood si Luis, na isa pa rin sa mainstays ng ASAP Natin 'To.

Continue reading below ↓

Si Luis din ang host ng Minute To Win It: Last Man Standing, ang Kapamilya game show na magbabalik-telebisyon sa January 7. 

Bukod dito ay co-host si Luis ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa World of Dance Philippines, ang Pinoy version ng American reality dance competition kung saan ang judge at executive producer sa U.S. ay si Jennifer Lopez.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ito ang unang hosting job at regular television show ni Pia bilang contract star ng ABS-CBN.

Sa January 12 ang pilot telecast ng World of Dance Philippines, na papalit sa Saturday at Sunday night timeslot na mababakante ng I Can See Your Voice.

Dahil tungkol sa pagalingan sa pagsasayaw ang World of Dance Philippines, ang mga artista na kilala sa husay nila sa pagsayaw na sina Maja Salvador, Billy Crawford, at Gary Valenciano ang kinuhang mga hurado ng programa.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen cap from I Can See Your Voice
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results