JC de Vera, aminadong hirap sa pag-aalaga ng anak na babae

IMAGE @akosijcdeberat on Instagram


Aminado si JC De Vera na hindi madali ang mag-alaga ng baby daughter dahil hindi siya nagkaroon ng kapatid na babae at tanging ang pag-aalaga sa kanyang ina ang nalalaman niya.

 IMAGE @akosijcdeberat on Instagram

Ngayong may anak na siya, gusto ni JC na palakihin si Lana Athena tulad ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap talaga na alagaan ang babae. Ang hirap, wala akong experience na may kapatid na babae. Ang alam ko lang kung paano alagaan ang nanay ko.

“Gusto ko na lumaki siya na very well balanced.Gusto ko yung makakaramdam pa rin siya ng struggles kasi without that struggles and obstacles in life, hindi ka matututo.

“Hindi ako spoiled lumaki. Kailangan kong gumawa ng mga paraan para kumita ako ng pera para meron akong pang-gastos sa sarili at gusto ko na ma-experience din yun ng anak ko. Kasi from there, malalaman niya talaga yung meaning ng life,” ang sabi ni JC na nagkuwento na kahit nag-aral ito noon sa isang exclusive school, hindi siya maluho dahil hindi naman mayaman ang kanilang pamilya.

“I didn’t come from a wealthy family. Meron lang kaming enough, yun ang masasabi ko. I think that’s the right term.

“Yung parents ko, yung education, yun na ang pinaka-ultimate gift nila sa akin na pag-aralin ako sa isang napakagandang school pero other than that, ang shoes ko, from first year to fourth year high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang uniform ko, good for three years bago uli bumili ng bago,” ang pagbabalik-tanaw ni JC sa nakaraan.

Pangarap ni JC na ibigay sa kanyang 8-month-old daughter ang maginhawa na pamumuhay pero titiyakin niya na hindi magiging spoiled ang bata.

“Planned and unplanned” naman ang sagot ni JC nang itanong ng Cabinet Files kung nakaplano ba noon ang pagbubuntis ng kanyang misis na si Rikkah Alyssa Cruz.

“Ang explanation ko nga diyan, it was planned but unplanned. Planned because hindi naman kami talaga nag-iingat so meaning, gusto rin naman siya. If that happens, we’re both okay,” ang pahayag ni JC.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN