Dennis Trillo, pinasalamatan si Jennylyn Mercado sa kanyang "acceptance speech"

IMAGE @dennistrillo on Instagram


Inialay ni Dennis Trillo sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado ang best actor trophy na napanalunan niya sa Gabi ng Parangal ng 44th Metro Manila Film Festival na ginanap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Pinasalamatan ni Dennis si Jennylyn dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ng aktres.

Unluckily, may trangkaso si Dennis kaya hindi siya nakadalo sa awards night ng 44th Metro Manila Film Festival. Ang kanyang manager na si Popoy Caritativo ang tumanggap ng best actor trophy ni Dennis para sa mahusay na pagganap nito sa One Great Love, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na tinanghal din bilang 3rd best picture.

Ngayong umaga, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinaabot ni Dennis ang pasasalamat dahil sa bagong acting award na natanggap niya.

View this post on Instagram

Labing apat na taon mula noong ako’y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinaka una kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko. Salamat po Mother Lily at Miss Roselle Monteverde sa pagtitiwala noon pa man, hindi hindi ko po yun makakalimutan. Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu ,JC deVera, Marlo Mortel at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo. Malaking bagay din ang tulong at pag gabay ng aming director na si direk Eric Quizon @eric_quizon . Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang Role ni Ian.??? Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong Ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay @mercadojenny ????????? Sana po ay mapanood niyo ang #onegreatlove Merry Christmas and Happy New Year po sa inyong lahat??????

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

“Labing apat na taon mula noong ako’y unang nakatanggap ng ganitong parangal, para sa pelikulang Aishite Imasu 1941 directed by Joel Lamangan, na siya ring pinakauna kong pelikulang nagawa sa buong buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat po Mother Lily [Monteverde, Regal Entertainment Inc.producer] sa pagtitiwala noon pa man, hindi hindi ko po yun makakalimutan.

“Taos-puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu, JC de Vera, Marlo Mortel at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo.

“Malaking bagay din ang tulong at pag gabay ng aming director na si direk Eric Quizon. Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang Role ni Ian.

“Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay @mercadojenny.

“Sana po ay mapanood niyo ang One Great Love. Merry Christmas and Happy New Year po
sa inyong lahat!” ang acceptance speech ni Dennis sa kanyang IG account.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN