PH franchise ng Miss Grand International, bibitiwan na ng Bb. Pilipinas?

PH franchise ng Miss Grand International, bibitiwan na ng Bb. Pilipinas?
by Jojo Gabinete
Jan 4, 2019
PHOTO/S: @RealBbPilipinas Twitter

And the plot thickens.

Nagkaroon ng iba’t-ibang espekulasyon tungkol sa pahayag ni Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) Chair Madame Stella Marquez-Araneta na ang pinamununuan niyang organization pa rin ang may hawak ng Philippine franchise ng Miss Universe.

 IMAGE @RealBbPilipinas Twitter

"It's still with us," ang sagot ni Stella nang tanungin siya tungkol sa controversial issue na ipinagkaloob na ng Miss Universe Organization ang franchise ng Miss Universe Philippines sa grupo ng dating Ilocos Sur governor at businessman na si Luis "Chavit" Singson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari ang "ambush interview" kay Stella sa send-off presscon ng BPCI para kay Bb.Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman, Huwebes ng hapon, January 3, sa Novotel Manila Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Sa kabila ng assurance ni Stella sa mga reporter na ang BPCI pa rin ang franchisee ng Miss Universe Philippines, marami ang nagtataka dahil hindi ang mga tauhan niya ang nag-asikaso kay Catriona Gray nang umalis ito papunta sa New York noong Miyerkules ng gabi, January 2.

Palaisipan din sa beauty pageant fans ang delayed announcement tungkol sa search for candidates ng Bb. Pilipinas 2019, dahil normally, December pa lang, inaaanyayahan na ng BPCI ang mga interesado na sumali na mag-file ng application.

Kapansin-pansin rin ang pag-awat ng isang BPCI staff member sa mga miyembro ng media na ihinto na ang panayam kay Stella, kahit sinasagot nito ng walang alinlangan ang lahat ng mga tanong tungkol sa sa usaping franchise ng Miss Universe Philippines.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasabay nito ay lumutang ang panibagong balitang bibitawan na ni Stella ang Philippine franchise ng Miss Grand International.

Hindi kawalan sa BPCI ang Miss Grand International dahil hindi ito itinuturing na prestigious beauty contest.

Ang reigning Miss Grand International na si Clara Sosa ng Paraguay ay hindi rin gaanong maganda ang imahe sa mga sumusubaybay ng naturang pageant.

Noong lang December 15, 2018—o dalawang araw bago ang Miss Universe coronation night—umani ng batikos si Clara dahil sa umano'y patutsada niya na luto o may daya ang magiging resulta ng Miss Universe pageant.

Base ito sa Instagram post ni Clara, kung saan may kuha siyang litrato sa kusina kasama ang Miss Grand International president na si Nawat Itsaragrisil.

May caption itong "Mabuhay! Real cooking show lol!"

Ikinagalit ito ng Pinoy beauty pageant aficionados.

May "gimikera image" din si Clara dahil sa insidenteng nahimatay siya nang tawagin ang pangalan niya bilang winner ng Miss Grand International 2018, sa coronation night na ginanap sa Myanmar, noong October 25, 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasamaang-palad, hindi nakakuha ng simpatiya si Clara dahil sa malakas na hinala ng ibang manonood na "scripted" diumano ang eksena.

Lalo na't bago inanunsiyo na siya ang nanalo sa pageant, nagbiro pa si Clara na parang magkakaroon siya ng heart attack.

Isang kakilala namin ang nakasaksi ng insidente nang nanood siya ng live coronation show ng Miss Grand International, sa The One Entertainment Park sa Myanmar.

Pinatotohanan ng Cabinet Files source ang mga obserbasyong "scripted" diumano ang pagkahimatay ni Clara para magkaroon ng ingay ang naturang pageant.

Pero hindi ito nagtagumpay dahil sandaling-sandali lamang pinag-usapan ang insidente.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @RealBbPilipinas Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results