Jose Manalo, kabado sa magiging box-office results ng Boy Tokwa: Lodi ng Gapo

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2019
PHOTO/S: Screen cap from Boy Tokwa: Lodi ng Gapo trailer

Malakas kumain pero imbes na tumaba, nangangayayat si Jose Manalo dahil sa pressure na nararamdaman nito para sa nalalapit na playdate ng kanyang solo movie, ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo

Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa January 8, 2019.

 IMAGE Screen cap from Boy Tokwa: Lodi ng Gapo trailer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dahilan para kabahan si Jose dahil mga baguhang artista ang kasama niya at siya lang ang big star sa cast ng pelikula, kaya sa kanya nakasalalay ang box-office success nito.

Ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo ay maiden presentation ng VST Productions, ang pag-aaring movie company ni Senate President Tito Sotto.

Hindi makapaniwala si Jose na tutuparin ni Senator Sotto ang pangako nito na siya ang bida sa pelikula na ipo-produce ng VST Productions, hanggang sa matanggap niya ang cellphone call ng direktor na si Tony Reyes hinggil sa proyekto. 

Halaw sa mga tunay na pangyayari at sa kuwento ng buhay ni Boy Tokwa ang pelikulang pinagbibidahan ni Jose.

Siya raw ang pinili para sa naturang title role dahil pareho ang mga mannerism nila ng tunay na Boy Tokwa, na sakit sa puso ang ikinamatay noong 2010.

Kilalang-kilala si Boy Tokwa sa Olongapo City dahil ikinukumpara siya kay Robinhood na nagnanakaw para makatulong sa mga mahihirap. Namayagpag siya roon noong dekada ’60.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahapon, January 3, ginanap ang presscon ng pelikulang Boy Tokwa: Lodi Ng Gapo at dinaluhan ito ng dating TV executive na si Kitchie Benedicto.

Personal na kilala ni Kitchie ang tunay na Boy Tokwa at siya ang nagpatunay na halos magkapareho na ugali ni Jose at ng karakter na ginampanan nito.

"Tawang-tawa ako kay Boy Tokwa kasi parang siya si Jose. Kung mag-joke siya, parang very formal pero mamamatay ka sa katatawa.

"But actually, his life itself was a dramedy. It was a combination of drama and comedy,” balik-tanaw ni Kitchie sa mga personal encounter niya kay Boy Tokwa.

Pinatotohanan din ni Kitchie na "swindler" si Boy Tokwa, pero mga foreigner at hindi kapwa-Pilipino ang binibiktima nito.

Involved si Kitchie sa production ng Boy Tokwa: Lodi ng Gapo, na aniya'y kapupulutan ng mga aral.

Narito ang kopya ng trailer nito: 



Samantala, ang bagong film company na VST Productions ay hango sa acronym ng tunay na pangalan ni Senator Tito na Vicente Sotto III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 1978, binuo ni Senator Sotto ang VST & Co., ang disco music group na ang mga miyembro ay mga kapatid niyang sina Vic at Val Sotto. Miyembro rin ng grupo ang matalik nilang kaibigang si Joey de Leon.

Ang "Ipagpatawad Mo," "Awitin Mo at Isasayaw Ko," at "Ikaw ang Aking Mahal" ang ilan sa mga monster hit songs ng VST & Co. noong kasikatan ng grupo nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen cap from Boy Tokwa: Lodi ng Gapo trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results