Ai-Ai delas Alas, ginaya ang almost nude pictorial ni J.Lo

Ang almost nude pictorial sa In Style magazine ng international celebrity na si Jennifer Lopez ang inspirasyon ni Ai-Ai delas Alas sa daring photo shoot nito, noong January 2, 2019.

Number one fan ni J.Lo ang Comedy Queen kaya ipinangako nito sa sarili na kokopyahin niya ang pinag-usapang sexy pictorial ng Hollywood singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @msaiaidelasalas Instagram

At gaya ni J.LO na hinahangaan niya, hindi gumamit ng underwear si Ai-Ai sa photoshoot. Ang pagkakaiba ay nagsuot siya ng body stockings.

Sa kanyang Instagram post kahapon, January 4, ibinahagi ni Ai-Ai ang kopya ng pag-spoof niya kay J.Lo.

Sinabi ni Ai-Ai sa text ng photo na siya ang "THE REAL JLO---NGANISA."

Literal na may hawak si Ai-Ai na string of longganisa, bilang bahagi ng kanyang pakuwelang post.

Tanggap ng Comedy Queen na magpipista ang bashers niya sa kanyang mapangahas na photo shoot.

Pero hindi raw siya magpapaapekto dahil mas mahalaga na natupad ang isa sa kanyang mga bucket list na maging JLo kahit sa litrato lang.

Napagkamalan ng ibang netizens na Photoshopped ang litrato na inilabas ni Ai-Ai dahil sa magandang kurba ng kanyang katawan dito.

Para patunayang hindi retokado ang kanyang sexy figure, ipinadala ni Ai-Ai sa Cabinet Files ang unedited copies ng kanyang "just for fun" pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy of Ai-Ai delas Alas via Jojo Gabinete

Ang pagkakaroon ni Ai-Ai ng magandang pangangatawan ang epekto ng maraming taong pagkain niya ng mga organic food.

 IMAGE Courtesy of Ai-Ai delas Alas via Jojo Gabinete

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN