Marco Gumabao, nagluluksa sa pagpanaw ng pet dog

by Jojo Gabinete
Jan 5, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Nagluluksa si Marco Gumabao at ang pamilya nito dahil sa pagpanaw ni Cookie “Kuwee” Gumabao, ang kanilang pet shih tzu.

Pumanaw ngayon si Cookie sa edad na 12 anyos dahil inoperahan ito sa uterus, pero hindi kinaya ng puso nito ang maselang surgery.

Emosyonal na nagpaalam si Marco kay Cookie sa pamamagitan ng isang makabagbag-damdaming mensahe.

“Just 3 days ago, we celebrated your 12th birthday.. and all of a sudden, it’s time to say good bye.

“Thank you for the 12 wonderful years you gave us.

“Every time I get home late from work, it’s always you who greets me at the door. My ultimate stress reliever.

“It hasn’t sunk in yet honestly.. but I will miss you my baby…” ang hindi pa rin makapaniwalang pahayag ni Marco tungkol sa biglaang pagpanaw ni Cookie.

Tiyak na makaka-relate at makikisimpatiya kay Marco ang mga katulad nitong dog lover.

Parang tunay na tao ang trato kay Cookie ni Marco at ng pamilya nito, kaya ipinagamit pa nila ang kanilang apelyido sa pet dog na nagbigay ng kaligayahan sa mga Gumabao sa loob ng labindalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results