Alden Richards, sikat na fastfood franchise ang birthday gift sa sarili

IMAGE GMA Network


Ang pagkakaroon ng franchise ng McDonald’s sa Biñan, Laguna ang itinuturing ni Alden Richards na 27th birthday gift niya sa sarili.

 IMAGE GMA Network

Ibinalita ni Alden na tiyak na ang pagbubukas ng McDonald’s niya sa April at sisikapin niyang mabuksan ang kanyang bagong business venture sa Easter Sunday, April 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re eyeing an Easter Sunday opening.

“Sa may Olivarez, katabi po kami ng Perpetual, along the national highway,” kuwento ni Alden, na may plano ring magkaroon ng McDonald’s branch sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang younger sister ni Alden ang mamamahala sa McDonald’s franchise niya at siya naman ang owner/operator, kaya sumailalim din ang aktor sa orientation.

Disbelief ang pakiramdam ni Alden sa kanyang bagong negosyo dahil dati-rati, isa lamang siya sa mga kostumer ng nasabing fastfood chain.

“Pangarap lang po yan namin ng pamilya ko dati, kasi may isa kaming kinakainan sa isang supermarket before.

“Akala ko po kasi noon, yung McDonald’s, walang franchisee.

“Kumbaga, galing siya sa company pero sabi ko, sana one day, magka-restaurant kami na McDo kasi we’re really avid fans of the restaurant.

“So, we’re very happy, hindi po ako makapaniwala.

“Nang makita ko na on-going na yung construction, nung makita ko yung takip dun sa pinaka-construction site na 'McDonald’s soon to open,' doon lang nag-sink in na talagang magkaka-restaurant na po kami,” patuloy pa ni Alden na celebrity endorser din ng popular fastfood chain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang mapag-usapan naman ang kanyang personal life, tahasang pinabulaanan ni Alden ang intriga na may secret girlfriend siya.

Nagsalita nang tapos si Alden na “fake news” ang isyu dahil walang katotohanan na may girlfriend siyang itinatago sa publiko.

“Sa ngayon po, fake news,” paglilinaw niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN