Alden, sinabing nakatulong ang paghihiwalay nila ni Maine para mas maging close sila

Hindi sigurado si Alden Richards kung magkakaroon na uli sila ng project ni Maine Mendoza ngayong 2019.

 IMAGE @leysam17 Instagram

Pero ayon sa kanya, mas malapit sila ngayon sa isa’t isa at nakatulong ang pansamantalang paghihiwalay nila bilang love team.

"Mas close kami ngayon ni Maine, mas open kami to each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa yung fans na talagang sobrang rooting for us pa rin, regardless po kung magkaiba kami ng tinatahak na career, as of the moment.

"Mas naging mature kaming dalawa ni Maine. Being in the industry, siya being here for almost four years, ako being on my eight year.

"Almost four years na rin yung AlDub, siguro we’ve matured in a lot of ways.

"Nakatulong talaga po yung paghihiwalay namin pansamantala. Marami kaming natutunan as individuals," ani Alden.

NOTHING WENT WRONG

Nang marinig niya ang tanong na "What went wrong?' sumagot ang aktor ng: "I guess nothing went wrong. It’s just a matter of choices. I just leave it there.”

May ibinigay ring paliwanag si Alden nang tanungin tungkol sa kanyang intriguing statement na “I’m at my happiest right now.”

Aniya, "Ang kaligayahan po para sa akin, yung hindi po ginagamitan ng isip, sa feeling.

"Minsan po yung pakiramdam na yun, hindi mo alam kung saan galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang masaya ka lang at gusto mong malaman ng lahat na masaya ka.

"Sa ngayon, mas relaxed kami at mas masayang dalawa [ni Maine].

"In my 27th year, 27th birthday, ang dami ko pong tiningnan noong 2018 na nangyari sa buhay ko na sobrang daming magagandang blessings.

"Siguro kaya lang po ako talagang masaya kasi ang dami ko pong natututunan dahil sa trabaho ko, yung pamilya ko, nadadala ko sa abroad because of my work.

"I’m able to secure their future. Unti-unting nagiging maliwanag yung future ko para sa family ko, yung future nila.

"Kaya yung kaligayahan ko ganoon kasi parang almost na malapit na akong unahin yung sarili ko. Malapit na," makahulugang sabi ni Alden.

Itinanggi rin ng Pambansang Bae na on hold ang kanyang love life dahil talagang wala siyang karelasyon sa kasalukuyan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN