Krista Ranillo, buntis sa ikalimang anak nila ng non-showbiz husband

IMAGE Krista Ranillo Instagram


Buntis uli ang retired actress na si Krista Ranillo, at baby boy ang isisilang niya sa May 2019.

Ang ipinagbubuntis ni Krista ang panglima sa anak nila ng businessman na si Niño Jefferson Lim.

Pitong taon na si Nate, ang panganay na anak ng mag-asawa na isinilang noong April 5, 2011; anim na taon si Nolan, ang second child; four years old ang only daughter na si Natalie; at dalawang taon ang youngest son na si Nash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang Instagram post noong December 26, 2018, sinabi ng former actress na mula sa Diyos at hindi kay Santa Claus ang pinakamagandang regalo na natanggap niya.

"The best gifts aren’t from Santa but from our good Lord. Thank you for this blessing God!Baby boy arriving May 2019,” pahayag ni Krista, na tinalikuran ang showbiz noong 2010 para magpakasal kay Niño at mamuhay nang tahimik sa California.

Nangako si Krista na huling anak na nila ni Niño ang kanyang isisilang sa May 2019.

Nagpapatulong siya sa mga kaibigan sa pagpili ng pangalan na ibibigay sa kanilang anak na panglima.

Tulad ng pangalan ni Niño, nagsisimula sa letrang N ang pangalan ng apat na anak nila ni Krista.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN