Dating interview ni James Yap, muling lumitaw dahil sa pagbabanta diumano ni Kris Aquino kay Nicko Falcis

May koneksiyon sa nakaraan ang mga isyung pumupukaw sa interes ng publiko sa pagpasok ng 2019.

Ang confrontation scene ni Fifth Solomon at ng nanay ni Tony Labrusca na si Angel Jones noong July 2018 sa isang bar sa Poblacion, Makati City, ang nakaraan na may koneksiyon sa kasalukuyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Mark Atienza / Instagram

Naungkat ang encounter at heated argument nina Fifth at Angel dahil sa insidente ng paninigaw ni Tony laban sa isang Immigration officer sa NAIA noong January 3, 2019.

Ang cryptic social media post ni Angel tungkol sa fake news na may kinalaman sa kaso na kinasasangkutan ng kanyang anak ang naging ugat para muling mapag-usapan ang sagutan nila ni Fifth noong nakaraang taon.

Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang panig ni Fifth tungkol sa tunay na dahilan ng series of tweets niya laban sa ina ni Tony, pero sumagot siya ng “Sorry, I don’t want to comment na.”

At any rate, humingi na si Tony ng paumanhin sa Immigration officer, pero hindi pa tapos ang problema niya.

Sa news report ng Saksi ng GMA-7 kagabi, January 7, ipinasusuri ng Bureau of Immigration ang record ng pagpasok at paglabas ni Tony sa Pilipinas, pati ang pagtatrabaho niya sa bansa, kahit tourist visa lang ang kanyang hawak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAMES YAP INTERVIEW

Ang pagbabalik ni Nicko Falcis sa Pilipinas, ang pagsasalita niya tungkol sa mga hindi nila pagkakaunawaan ni Kris Aquino, at ang diumano’y pagbabanta ng TV host-actress sa buhay niya ang naging mitsa para muling lumitaw ang video ng interbyu kay James Yap tungkol kay Kris, limang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay James, ito ang sinabi sa kanya ni Kris noon: “Baka nakalimutan mo, may three years pa yung brother ko.

"Nakita mo ba kung saan na yung mga ex ko ngayon? Wala nang mga career, baka ganoon ang gawin ko sa 'yo.

"Isang iyak ko lang sa TV, maniniwala na sa akin ang mga tao."

Nabuhay ang old video interview na ito ni James dahil sa claim ni Falcis na nakatikim din ito ng pagbabanta mula kay Kris.

LAVA WALK

Lastly, nakakatawa ang comparison kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa comedian-politician na si Roderick Paulate.

Si Roderick ang lead actor ng Bala at Lipistik, ang 1994 comedy movie ng Regal Entertainment, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-usapan ang lava at slow-mo walk ni Catriona sa preliminary competition ng 67th Miss Universe, pero hindi siya ang original, ayon sa mga nakapanood ng pelikula ni Roderick.

Para patunayang totoo na si Roderick ang nag-umpisa ng slow-mo walk, ang film clip ng eksena niya sa Bala at Lipistik ang ginamit na ebidensiya ng mga observer na matatalas ang mga mata at memorya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN