Bong Revilla, gustong maging "leading lady" si Vice Ganda sa pelikula

IMAGE Jerry Olea


Sina Mother Lily Monteverde at Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda ang mga host ng welcome at thanksgiving party para kay former Senator Bong Revilla Jr., na ginanap sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan City, ngayong tanghali, January 9.

 IMAGE Jerry Olea

Sa naturang pagtitipon, personal na pinasalamatan ni Bong ang mga miyembro ng entertainment press dahil sa suporta at pagmamahal na ipinakita sa kanya sa apat at kalahating taong pagkakakulong niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Bong na magsasali siya ng pelikula niya sa 45th Metro Manila Film Festival sa December 2019.

Nang tanungin tungkol sa leading lady napipisil na maging kapareha, si Vice Ganda ang nakangiti na sagot niya.

Naging seryoso naman si Bong nang itanong ang naramdaman nito sa unang pagdaan niya sa harap ng Camp Crame, matapos makalaya siya noong December 7, 2018.

Aniya, "Iba yung pakiramdam, kumutob [ang puso ko].

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung na-miss ko ang Crame.

"Every time na makakakita ako ng pulis, para akong may trauma, kasi anywhere I go nung naka-detain pa ako, ang palagi kong kasama, singkwenta, isandaan, dalawang daan na pulis.

"Magpapa-check up ako, 200 pulis, tapos konting galaw ko, nandiyan sila.

"Yung phobia, may ganoon pa rin ako, kaya kapag nakakakita ako ng naka-uniporme, may trauma nang konti.

"Pero eventually, mawawala rin siguro yun," pagtatapat ni Bong tungkol sa kanyang phobia sa mga pulis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi rin ni Bong ang pag-uusap nila ng kanyang ama na si former Senator Ramon Revilla Sr. na naging dahilan ng pagpatak ng luha niya.

Saad niya, "Tinanong ko nga yung tatay ko, ‘Daddy, ano po ang masasabi niyo sa mga tao na nang-api sa akin?’

"Alam niyo ang sabi ng Daddy, ‘Anak, patawarin mo na sila.’

"Nung sinabi yun ng tatay ko, naluha ako.

"Siyempre, hindi mo maaalis yung galit mo sa dibdib.

"Plastik naman kung sabihin ko na wala, okey lang yun.

"Four years and six months or six years na nawala sa buhay mo.

"Pero nang marinig ko sa aking ama yun, parang narinig ko na rin ang boses ng Panginoon, kaya masasabi ko lang, pinatawad ko na rin yung mga tao na nang-api sa akin…"


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN