Matagal nang umalis si Alessandra de Rossi sa talent management agency na kanyang pinanggalingan, kaya walang conflict sa pagpirma niya ng exclusive contract sa Viva Artists Agency (VAA) ngayong hapon, January 9.

Hindi basta talent si Alessandra ng VAA dahil may partnership sa Viva Films ang AWOO, ang movie company na itinatag ng aktres.
"Nangyari siya [partnership] dahil nagtayo ako ng company, under Viva Corporation, ang pangalan niya AWOO, A World of Her Own ang ibig sabihin.
"Yung name, actually galing yun kay Jules Ledesma, my brother in-law.
"Favorite expression niya yung AWOO, yun pala nilagyan niya ng meaning.
"Sabi ko, 'One day, magtayo tayo ng company, iyan ang name,'" kuwento ni Alessandra.
Excited ang aktres sa bagong kabanata ng buhay niya.
Saad niya, "Nagpa-manage na rin ako sa Viva para lahat na ng projects ko, lahat ng ideas ko, nandito na para wala nang conflict of interest.
"Sila naman din ang nagpa-fund ng lahat ng gusto kong gawin na wala nang tanoug-tanong.
"'A, gusto mo 'yan, gawin natin 'yan. A, pet project mo 'yan, sige gawin natin, ikaw na bahala diyan.'"
Seryoso ang mukha ni Alessandra nang sabihin niyang 50 years ang kanyang kontrata sa Viva Films.
Tatlong movie projects para sa 2019 ang gagawin ni Alessandra sa bagong home studio niya, at kasama rito ang katuparan ng kanyang pangarap na maging direktor.
"Ready to shoot yung isa, ano na lang, leading man [ang kailangan].
"Meron akong isa with Direk Andoy Ranay, siya ang magdidirek.
"Meron naman na ako ang magdidirek, maiba naman.
"Ita-try ko lang talaga, kapag hindi nag-work, last ko na yun, promise.
"Actually, yung gusto ko i-direct, ako rin ang nagsulat.
"Natuwa lang kasi ako nang mapanood ko ang The Mirror Has Two Faces, tapos nakita ko written and directed by Barbra Streisand.
"Sabi ko, 'A, really, wait, wait ka lang diyan, ate. Try ko rin.'
"Kasi ako siguro ang tipo ng tao na hindi titigil, yung gustong i-try lahat," sabi ni Alessandra.