James Reid, Billy Crawford, Sam Concepcion magsasanib-puwersa para sa isang concert

by Jojo Gabinete
Jan 10, 2019
PHOTO/S: VAA Facebook

Spotted sina James Reid, Billy Crawford, at Sam Concepcion sa Viva Films office kahapon, January 9, habang nagaganap ang press interview para kay Alessandra de Rossi, ang bagong contract star ng Viva.

 IMAGE VAA Facebook

Si Alessandra ang unang bumati kay James at nagsabi na may isusulat siya na script na bagay na bagay sa singer-actor na sinagot nito ng positive.

Continue reading below ↓

At any rate, may kinalaman sa concert na pagsasamahan nina James, Billy, at Sam ang pagpunta ng tatlo sa opisina ng Viva dahil sa meeting nila sa multi-awarded television commercial at concert director na si Paul Basinillo.

Si Paul ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa concert na project niya at itatanghal sa Smart Araneta Coliseum sa April 2019.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sinabi ni Paul na magsasama sa unang pagkakataon sa isang major concert sina Billy, Sam at James.

Ayon kay Paul, bukod sa April concert, ngayong 2019 ang release ng bagong album ni Billy sa Viva Records, may upcoming songs si James mula sa sariling record label nito, ang Careless Manila, at magbibida si Sam sa dance musical film na Indak.

"The concert will serve as a platform for their respective music projects.The show will highlight their individual skills in dancing and singing,” ang sabi ni Paul na direktor ng still untitled concert.

Continue reading below ↓

Idinagdag ni Paul na may mga invited celebrity guest gaya ni Nadine Lustre sa first- ever together concert nina James, Billy, at Sam.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: VAA Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results