As expected, si Miss Philippines Intercontinental Karen Gallman ang nanalo ng Miss Media Favorite, ang special award na ipinagkaloob sa press presentation ng 47th Miss Intercontinental na ginanap sa Mindanao Ballroom ng Sofitel kaninang hapon, January 10.
Bukod sa media favorite, nagwagi rin si Karen ng special award na H&H Standout Beauty na may cash prize na US$1,000.

Walang nagreklamo sa mga special award na nakuha ni Karen dahil deserving siya.
Sa 64 candidates ng Miss Intercontinental na ipinakilala sa mga miyembro ng media, siya ang handang-handa mula sa kanyang suot na Filipiniana inspired-dress, make-up, at maging sa pagrampa sa stage.
May mga kandidatang magaganda pero hindi nila pinaghandaan ang beauty pageant na sinalihan dahil hindi sila nag-aksaya ng panahong piliin ang mga damit na gagamitin at hindi rin nag-effort na magbawas ng unwanted pounds.
Standout candidates si Karen, ang mga representative ng Colombia, Paraguay, Ethiopia, at Malaysia.
Pinalakpakan naman si Miss Russia na living Barbie doll ang hitsura.
Eighty-five ang official delegates ng 47th Miss Intercontinental, pero paparating pa lang sa Pilipinas ang ibang mga kandidata gaya ng twin sisters na sina Miss Albania Arvanita Peci at Miss Kosovo Arjanita Peci.
Missing sa press presentation si Miss Iran Bahareh Zarebahari na, diumano, nagpunta sa Baguio City, kasama ang Iranian boyfriend niya.
Kung hindi pa kami dumalo sa unang official event ng 47th Miss Intercontinental, hindi namin malalaman na may mga bansa na Crimea at Moldova ang pangalan.
Parehong sa Eastern Europe ang location ng Crimea at Moldova na nagsali ng mga kandidata sa 47th Miss Intercontinental.