Manny Pacquiao, kumuha ng anger translator para sa laban nila ni Broner

IMAGE Screen grab from TMZ


Michael Blackson ang pangalan ng kaibigan ni Senator Manny Pacquiao na kinuha nito bilang "anger
translator" niya para sa January 19 boxing fight nila sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, ng American boxer na si Adrien Broner na may notorious image na trash talker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Manny Pacquiao with Michael Blackson
 IMAGE Screen grab from TMZ

Ang tabloid news website na TMZ ang naglabas ng exclusive report tungkol sa pagkakaroon ng anger translator ng Filipino boxing champ na hindi minana ang pagiging trash talker ni Dionisia Pacquiao, ang kanyang karakter na ina.

Bilang anger translator, responsibilidad ni Blackson na tapatan at sagutin ang mga brutal na salita na manggagaling mula sa bibig ni Broner na hindi magagawa ni Pacquiao na isang senador at God-fearing person.

"For example, when we asked Manny how he felt about Broner predicting a knockout, MP politely told us, 'That's easy to say but hard to do.'

"Okay... but what he REALLY meant to say... 'We're gonna f*ck him up! Punch him in his eye! Kick him in his nuts! That short bitch is going down!!!'

"There's a lot more, it's really funny... and obviously, salute to Key & Peele,” ang report ng TMZ tungkol sa unique partnership nina Pacquiao at Blackson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN