Chavit Singson, kinumpirmang siya na ang franchise holder ng Miss Universe PH

Chavit Singson, kinumpirmang siya na ang franchise holder ng Miss Universe PH
by Jojo Gabinete
Jan 13, 2019

Ang PEP.ph, sa pamamagitan ng Cabinet Files, ang unang naglabas noong December 19, 2018 ng balitang ang LCS Group of Companies ni former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na ang may hawak ng franchise ng Miss Universe Philippines.

Pinabulaanan ito ni Mrs. Stella Marquez Araneta ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. nang tanungin ng mga miyembro ng media sa ambush interview sa kanya sa send–off presscon para kay Bb. Pilipinas-Intercontinental Karen Gallman sa Novotel noong January 3, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It’s still with us. If some people say something else, let them talk about it," sagot ni Mrs. Araneta tungkol sa Miss Universe Philippines franchise controversy.

Pero sa exclusive interview ni The Philippine STAR columnist Wilson Lee Flores kay Singson na lumabas ngayon, January 13, kinumpirma sa kauna-unahang pagkakataon ni Singson na siya na ang franchise holder ng Miss Universe Philippines na ipinagkatiwala sa kanya ng Miss Universe Organization.

Wilson Lee Flores and Chavit Singson
 IMAGE Courtesy of Wilson Lee Flores
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag ng politician/businessman, "True, the franchise is already with me, but it has not yet been announced.

"I think it shall be formally announced this January or February, when Catriona comes back again to the Philippines.

"Binibining Pilipinas Universe will be replaced with Miss Universe Philippines. Noon pa ibinibigay sa akin 'yan because I’ve been helping them since 2016."

Nakausap ng Cabinet Files si Flores, ngayong hapon, January 13 at sinabi niyang nangyari ang pag-uusap nila ni Singson sa bahay nito sa Corinthian Gardens noong Sabado, January 5.

Ayon kay Flores, nakuha ni Singson ang tiwala ng Miss Universe Organization nang idaos sa Pilipinas noong January 2017 ang 65th Miss Universe.

Si Singson ang co-producer ng 65th Miss Universe kaya nagbigay siya ng non-refundable deposit na US$1 million na ikinagulat at ikinabilib ng MUO.

Nang tanungin namin si Flores tungkol sa claim ni Mrs. Araneta na ang BPCI pa rin ang franchise holder ng Miss Universe Philippines, sumagot siyang maaaring nasabi iyon ng former Miss International dahil hindi pa naglalabas ng official announcement si Singson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinagdag pa ni Flores na may involvement si Singson sa 68th Miss Universe na kumpirmadong gaganapin sa South Korea.

"Sisiguraduhin daw nilang walang ibang malaking kasabay na sports event ang Miss Universe na posibleng idaos sa December.

"Sinabi rin ni Chavit na malaki ang paghahandang gagawin nila para sa search for Miss Universe Philippines 2019, pero hindi pa niya sinabi ang venue," kuwento ni Flores.

Nakiayon din si Flores sa opinyon ng Cabinet Files na malabong maganap sa Smart Araneta Coliseum ang beauty pageant dahil nawala na nga sa BPCI ang karapatang pumili at magsali ng kandidata sa Miss Universe.

Nabanggit din ni Flores ang pahayag ni Chavit tungkol sa plano ng Malacañang Palace na i-appoint si Catriona Gray bilang ambassadress o special envoy dahil makakatulong ang reigning Miss Universe para sa promotion ng Pilipinas sa ibang bansa.

Meanwhile, binubuo na ng LCS Group of Companies ang sariling team para sa pagsisimula ng paghawak nila sa Philippine franchise ng Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangalan ng beauty-queen maker na si Jonas Gaffud at ni 2016 Bb. Pilipinas Grand International at life coach Nicole Cordovez ang ilan sa mga nababanggit at napapabalitang kasali sa team ni Singson.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results