Singer-actress, super crayola sa taping ng Sunday TV show


Wagas ang pagluha ng singer-actress sa rehearsals para sa taping ng kanilang Sunday television show dahil tumagos sa puso niya ang hugot line spiels na kanyang binabasa.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Nagulat ang mga kasamahan ng singer-actress sa biglang pag-iyak nito kaya nagduda silang may pinagdaraanan ang love life niya na makulay at intriguing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa pakikipagrelasyon ang spiels na ipinabasa sa singer-actress, na umiyak nang umiyak dahil hindi niya nakontrol ang lungkot na nararamdaman.

Nang matapos ang rehearsal ng singer-actress, tinukso siya ng kanyang mga co-star sa show para gumaan ang sitwasyon at ang pakiramdam niya.

Unfortunately, hindi mapapanood sa telebisyon ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersiya ang controversial crying scene ng singer-actress dahil nangyari ang insidente sa rehearsal at hindi sa actual taping ng show.

Very secretive ang singer-actress kapag ang personal life nito ang sangkot kaya malabo na magsalita siya at sabihin ang tunay na dahilan ng todo na pag-iyak niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN