Born Beautiful, mauunang ipalabas sa sinehan bago maging TV series

IMAGE Screen cap from Born Beautiful


Nang makausap ng Cabinet Files si Martin del Rosario, sinabi nito na mapapanood pa rin bilang television series sa Cignal TV ang Born Beautiful pero uunahin muna na ipalabas sa mga sinehan ang movie version dahil nanghinayang ang film producer at direktor nito na si Perci Intalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screen cap from Born Beautiful

“Uunahin muna yung film.

“Nasayangan si Direk Perci dahil napanood niya yung Episodes 1 to 5 na maganda raw gawin na film,” pahayag ni Martin na kinumpirma ni Perci.

“May movie at may television series.

“Yung series, ipapalabas sa Cignal TV pero much later pa.

“Bale, parang continued ang kuwento sa series dahil mahaba pa kasi ang istorya ng Born Beautiful from movie to TV series, pero nakunan na ang lahat ng mga eksena ni Martin,” paliwanag ni Perci.

Unfortunately, R-18 ang classification ng MTRCB sa Born Beautiful kaya hindi ito mapapanood sa mga sinehan ng SM malls.

“R-18 ang MTRCB rating kaya unfortunately, wala kami sa SM cinemas pero so far, maganda ang feedback.

“Sana tangkilikin pa rin ng audience ang pelikula namin.

“Todo naman ang suporta ng Ayala, Gateway, Vista, Gaisano at Robinson’s cinemas,” ang sabi ni Perci.

Sa January 23 ang playdate ng Born Beautiful pero magkakaroon ng one-time-only uncensored screening ang launching movie ni Martin sa UP Adarna ng UP Diliman sa January 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lamang si Martin ang kinakabahan sa nalalapit na showing ng Born Beautiful dahil ganito rin ang nararamdaman ni Perci.

“I'm sure lahat kami may halong kaba.

“Natural lang yata yun kasi parang opening night mo yan sa teatro.

“I think hindi lang yung kissing scenes at love scenes sa pelikula ang daring, e.

“Ang makikita ng tao is yung walang takot na portrayal ni Martin sa role na Barbs.

“Makakalimutan mo na si Martin ito habang nanonood ka.

“Buung-buo at totoong tao yung Barbs, akala mo may Barbs talaga sa tunay na buhay,” kuwento pa ni Perci tungkol sa kanyang ika-5 movie directorial job.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN