Hindi lamang artista si Xian Lim sa Hanggang Kailan dahil co-producer din siya ng pelikula ng Viva Films na itatanghal sa mga sinehan sa February 6, 2019.
Ayon kay Xian, ang pagiging co-producer ng movie project nila ni Louise delos Reyes ang katuparan ng kanyang pangarap na maging film producer at direktor.

"It feels good to be part of production. I’ve always wanted to become a producer and director.
"I found my passion when I got my first role in Cinemalaya back in 2009 for Two Funerals.
"Direk Gil Portes and I would always have quick discussions on how it would be possible someday with the right amount of dedication," sabi ni Xian.
Nagustuhan daw niya agad ang kuwento ng Hanggang Kailan nang mabasa ang script.
"When I read the script, I fell in love with the story right away," pahayag ni Xian.
Bilang co-producer ng Hanggang Kailan, tinanong ng Cabinet Files kay Xian ang mga kontribusyon nito nang kunan ang mga eksena ng pelikula sa Saga Prefecture, Kyushu, Japan.
"Hindi ko binibilang ang mga contributions ko sa kahit ano mang bagay. I just put my whole heart in every project that I do.
"Japan is a beautiful place. Amidst the downhill slope of Cath and Donnie’s romance, we are given beautiful visuals making our story more compelling," ani Xian.
May sizzling love scene sina Xian at Louise sa Hanggang Kailan dahil kailangan ito sa kuwento ng pelikula.
"The love scene in our movie is important because it shows that the character of Cath and Donnie are ready to take their relationship to the next level," paliwanag ni Xian sa maselang eksena na ginawa nila ni Louise.