Ang suportang ibibigay niya sa Miss Universe Philippines 2019 ang itinanong namin kay Ariella Arida, ang official representative ng Pilipinas sa Miss Universe noong 2013.

Positive ang sagot ng 3rd runner-up sa 62nd edition ng Miss Universe, kahit ang LCS Group of Companies ng businessman na si Chavit Singson at hindi na Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ni Mrs. Stella Marquez Araneta ang may-hawak ng Philippine franchise ng nabanggit na international beauty pageant.
"Oo naman, kasi Miss Universe pa rin yun," sabi ni Ariella.
Willing din daw siyang dumalo sa activities ng Miss Universe Philippines kapag nakatanggap siya ng imbitasyon.
"Sa Miss World Philippines nga, nagpunta ako dahil si Tito Arnold Vegafria [her manager], ang national director.
"Nag-judge pa nga ako sa Miss World Philippines. Naloka nga sila, may mga nag-tweet ng 'Madam, yung totoo? Bakit ka nandiyan?'
"Nakita naman nila na mostly yung sponsors, endorser ako!" natatawang kuwento ni Ariella.
May naramdamang lungkot si Ariella nang makarating sa kanya ang balitang hindi na ang BPCI ang franchise holder ng Miss Universe Philippines, na ikinumpara niya sa dalawang lovers na nagkahiwalay.
"For me, parang daig pa yung nakipag-break ka sa boyfriend.
"I'm not against Chavit, pero kumbaga, tradisyon na, legacy na.
"Sana lang, huwag mabigyan ng ibang meaning," sabi ni Ariella.
Paano kung imbitahan kang maging miyembro ng Team Chavit dahil kailangan ng mga may karanasan sa mga beauty contest na tutulong sa pagpapatakbo ng Miss Universe Philippines?
"Ako naman, walang problema sa akin. I heard nga, baka si Mama J [Jonas Gaffud, kasali sa grupo ni Chavit]..." pahayag ni Ariella, na nakausap ng Cabinet Files sa grand opening ng 8th branch ng Ka Tunying sa ground floor ng North Towers ng SM North Edsa, kaninang hapon, January 16.
Si Ariella ang inimbitahan sa ribbon cutting ceremony ng restaurant na pag-aari ng broadcast journalist na si Anthony Taberna at ng misis nitong si Rossel.