Amy Perez, hindi makapaniwalang may billboard na siya sa EDSA

IMAGE Instagram


"Maybe you are nice and they like you kaya you have a picture."

Ito ang cute at inosenteng reaksiyon ng anak ni Amy Perez na si Seyah, na sigaw nang sigaw ng "Mama, Mama, it’s you!" nang makita sa kauna-unahang pagkakataon ang giant billboard sa EDSA ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Amy Perez Instagram

Si Amy ang celebrity endorser ng Belo Medical Clinic para sa Kinetic Facelift procedure.

Si Seyah ang 6-year-old youngest son ni Amy, na hindi rin makapaniwalang magkakaroon siya ng billboard sa EDSA.

Kuwento ng UKG at It's Showtime host, "Hindi ako makapaniwala.

"I think it was a Saturday nung ma-up yung billboard sa EDSA, and it was Mariel Rodriguez who first sent me the picture along EDSA Guadalupe.

"I couldn’t believe talaga na it’s me."

Sumusumpa si Amy na walang downtime ang procedure na ginawa sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

"I did not feel any pain, I swear.

"Siguro, yung marks lang na parang burn kapag nagpa-remove ka ng warts that’s why if you noticed, naka-turtleneck ako before Christmas.

"I tried Kinetic Facelift when I saw my neck na nag-start nang mag-age."

Nakumbinsi ang kanyang mga kasamahan sa Bible study group at ang mga kaibigang gay (Starbecks, according to her) na subukan ang effective procedure na dahilan para magmukhang bata siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo ang sinabi ni Seyah na nice ang mama niya dahil isa si Amy sa pinakamabuting tao sa showbiz na aming nakilala.

Bilang patotoong mabuting tao si Amy, pinatawad at hinayaan na lang niya ang dating kasambahay na pinagnakawan siya.

Aniya, "Bahala na ang Diyos sa kanya."

Bukod sa mabait, mahusay magpayo si Amy na napatunayan niya sa kanyang defunct show sa TV5, ang Face to Face.

Kaya nakasanayan siyang tawaging "Tiyang Amy" at kinikilala bilang successor ng namayapang Philippine radio broadcasting icon na si Dely Magpayo aka Tiya Dely.

"I’m very honored and excited about it," reaksiyon ni Amy sa comparison sa kanya kay Tiya Dely dahil pareho silang magaling magbigay ng payo at untainted ang mga kredibilidad.

Out of curiosity, tinanong ng Cabinet Files kay Amy ang daily schedule nito na nakakapagod and yet, hinding-hindi siya nawawalan ng panahon para sa pamilya niya.

"I really need to discipline myself na walang gimik on weekday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, dinner at 5:30 P.M. to 6:30 P.M. Dapat 7:30 P.M., all set na ang kids and me to sleep.

"Then I wake up at 3:50 P.M. for Umagang Kay Ganda.

"After UKG, I do my Pilates class from 8:30 A.M. to 9:30 A.M., then I go back to ABS-CBN for my radio program, Sakto, which airs from 10 A.M. to 11 A.M.

"After my radio program, I report for It’s Showtime from 12 noon to 4 P.M.

"Then from 4 P.M. to 5 P.M., I do errands like grocery, pay bills, then I go home na to cook dinner for the boys,” ang araw-araw na routine ni Amy.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN