Goodbye TV na nga ba si Arn-Arn, ang puppet counterpart ni Arnold Clavio kaya hindi na siya napapanood sa Unang Hirit, ang morning show ng GMA 7?

Napansin ang matagal nang pagkawala ni Arn-Arn sa sirkulasyon nang ipakilala ni Anthony "Ka Tunying" Taberna si Tonton sa grand opening ng 8th branch ng Ka Tunying, ang restaurant na pag-aari nila ng kanyang misis na si Rossel Taberna, sa ground floor ng North Towers ng SM North Edsa Mall kahapon, January 16.
Memorable ang introduction kay Tonton ni Ka Tunying dahil ipinagdiwang nito kahapon, January 16, ang 44th birthday na parang kaarawan na rin ng official mascot ng family-owned restaurant nila.
Unlike Arn-Arn, nakapaglalakad at magaling sumayaw si Tonton dahil siya ang nag-entertain sa mga bisita sa grand opening ng Ka Tunying.

But unlike Tonton, nakakapagsalita si Arn-Arn na missing in action kaya hindi mangyayari ang tapatan nila, tulad ng tapatan ng morning show nina Ka Tunying at Arnold.
Sa kagustuhan naming malaman ang nangyari kay Arn-Arn, may mga tinanong kami para sa tumpak na kasagutan.
Ayon sa isang tauhan ng Unang Hirit, malungkot ang nangyari kay Arn-Arn dahil nakatago na lamang ito sa isang malungkot na silid ng News & Current Affairs ng GMA-7.
"Nakatago na lang si Arn-Arn. Nagkasakit kasi yung puppeteer kaya hindi na siya puwedeng magtrabaho,” ang impormasyong nakalap ng Cabinet Files tungkol sa sad state ng puppet na inihulma sa physical appearance ni Arnold.
Bago pa dumating sa eksena si Tonton, namamayagpag si Arn-Arn bilang Pambansang Puppet ng Pilipinas na may sariling Twitter account.
Pero sabi nga, some good things never last.
Kung nalalaos at nawawalan ng career ang mga sikat artista, ang isang puppet pa kaya?