Nagpapasalamat si Louise delos Reyes sa Viva Films dahil siya ang bidang babae sa Hanggang Kailan, ang second movie project niya sa kanyang mother studio.
Sabi niya, "I’m super thankful that Viva Films entrusted me with this project with Xian Lim.
"I have a lot of firsts doing Hanggang Kailan kaya naman this is one of my favorites so far."

Nakilala raw ni Louise ang tunay na ugali ni Xian nang mag-shooting sila ng Hanggang Kailan sa Saga Prefecture, Japan.
"I think in a positive way naman na hindi siya pala super serious na tao. He jokes a lot.
"There was never a dull moment with him."
Sinasabi ng mga nakapanood sa rushes ng Hanggang Kailan na matindi ang love scene nina Louise at Xian.
Surprisingly, according to Louise, hindi niya pinaghandaan ang filming ng maselang eksena nila ng kanyang kapareha.
"I actually did not prepare for anything. I trust my director, Direk Bona Fajardo and also Xian," paliwanag ni Louise.
Inamin ng aktres ang nararamdamang magkahalong kaba at excitement habang papalapit ang February 6 playdate ng Hanggang Kailan.
"I’m very excited to finally show everyone what we’ve been working on for almost two months. Sana magustuhan talaga ng moviegoers ang Hanggang Kailan."
Postscript: Baka Hanggang Dito Na Lang ang working title ng pelikula nina Xian at Louise. Mahirap matandaan ang pamagat kaya nagdesisyon ang mga producer na palitan ng Hanggang Kailan ang movie title ng kanilang pre-Valentine presentation.