Enchong Dee, bongga ang pag-aaring mid-rise buildings sa Cubao

IMAGE Jojo Gabinete / @mr_enchongdee Instagram

Enchong Dee, bongga ang pag-aaring mid-rise buildings sa Cubao


Kahit hindi na mag-artista si Enchong Dee, puwedeng-puwede siyang mamuhay nang kumportable dahil sa mga good investment niya mula sa kanyang showbiz earnings.

Para may ebidensiya, personal na pinuntahan at kinunan ng larawan ng Cabinet Files ang E23 Residences, ang mid-rise building sa kanto ng Imperial Street at Ermin Garcia St., Cubao, Quezon City, na pag-aari ni Enchong. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jojo Gabinete / @mr_enchongdee Instagram

Maganda ang location ng E23 Residences dahil malapit ito sa Mega Q-Mart market na sadyang matao at dinadayo ng mga mamimili.

Kaya pinarerentahan ng nanay ni Enchong sa mga business establishment ang ground floor ng pag-aaring building ng Kapamilya actor.

Nakatitiyak na si Enchong ng magandang kinabukasan dahil masinop siya sa pera at mahusay sa negosyo ang mga magulang niya.

But wait, there’s more—hindi lamang isa kundi dalawa ang building na pagmamay-ari ni Enchong.

Under construction din ang pangalawang gusali, na matatagpuan sa Murphy, Quezon City. Again, maganda ang location ng building dahil malapit ito sa palengke.

Nakausap ng Cabinet Files si Enchong sa presscon ng Elise, ang pelikulang pinagbibidahan nila ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Dito ipinagtapat ng 29-year-old actor na nagnegosyo siya dahil alam niyang hindi stable ang propesyon na kanyang pinasok.

"Hindi talaga pangmatagalan ang pag-aartista. Yung iba, three years, five years, wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagnegosyo ako nung maramdaman ko na humihina ang trabaho sa showbiz."

 IMAGE Jojo Gabinete

Paglalarawan pa ni Enchong sa magandang takbo ng kanyang negosyo, "Siguro, mga twenty na pinto ang mid-rise building namin. Ang mommy ko ang nagma-manage.

"Bale yung pumapasok sa negosyo na iyon, ang ginagawa namin, yun ang pambayad ko ng tax, pambayad ng amilyar."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang ikalawang property na nabili niya sa Cubao?

"Pinapa-renovate pa. Ito yung katabi ng Murphy market dahil nandoon yung mga tao," walang halong pagyayabang na kuwento ni Enchong. 

Nakatutuwang makita na may napuntahan ang todo-kayod ni Enchong sa loob ng 12 taon niya sa showbiz.

Puwedeng role model ang pagiging masinop ng aktor, lalo na sa ibang artista na mga one-day millionaire at parang wala nang bukas kung gumastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jojo Gabinete


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN