Original Sang'gres ng Encantadia, reunited sa Mystified

Inilabas ngayon ng iflix ang trailer ng Mystified, ang reunion movie ng original Sang’gres ng Encantadia—sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, at Diana Zubiri.

Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon, and Diana Zubiri
 IMAGE iflix

Sa March 2019 ang airing sa Iflix ng Mystified.

Base sa trailer, mga witch na may mabubuting kalooban na nakipaglaban sa kasamaan ang mga karakter ng apat sa Iflix movie na mula sa direksyon ni Mark Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview ng PEP kay Sunshine, ikinuwento nitong hanggang ngayon, ang original Encantadia ang number one Pinoy series sa iflix kaya nabuo ang idea na gumawa sila ng pelikula para sa nabanggit na subscription video on demand company.

Malalaki ang mga eksena ng Mystified na kinunan sa mga probinsiya ng Bulacan, Batangas, at Bataan.

Kung pagbabasehan ang trailer ng Mystified, mapapansing ibang-iba ang kuwento nito sa Encantadia.

Pero gumamit pa rin ng mga costume ang mga lead actress ng much anticipated ng fans ng Encantadia na matagal nang hinihiling na magkaroon ng reunion project sina Iza, Sunshine, Karylle, at Diana.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN