Mga negosyante, humina ang kita dahil sa live feed ng laban ni Pacquiao

Mga negosyante, humina ang kita dahil sa live feed ng laban ni Pacquiao
by Jojo Gabinete
Jan 21, 2019
PHOTO/S: Jhay Otamias via Spin.ph

Apektado ng social media ang telecast at pay-per-view ng boxing fight ni Senator Manny Pacquiao at ng American boxer na si Adrien Broner.

Ginanap ang kanilang laban noong Sabado ng gabi, January 19 (Sunday morning, January 20, Philippine time).

 IMAGE Jhay Otamias via Spin.ph

Live na napanood without commercials ang Pacquiao-Broner match dahil sa Facebook Live at Instagram Live na kagagawan ng mga Pilipino na nanood ng actual fight sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati-rati, malaki ang kinikita ng mga sinehan, restaurants, at ng Smart Araneta Coliseum na nagpapalabas ng live ng mga nakaraan na laban ni Pacquiao.

Mataas din ang singil ng theater owners—umaabot sa P600 ang presyo ng bawat tickets.

Pero nahinto na ang negosyo nila dahil libre nang napapanood sa Facebook at Instagram ang mga boxing fight ng Pambansang Kamao.

Isa lang ang problema ng mga pasimuno ng Facebook live coverage: hindi nila ma-post ang video dahil ipinagbabawal ito ng Facebook management.

Meanwhile, matapos talunin si Broner sa pamamagitan ng unanimous decision, nagsalita si Pacquiao na handa na siyang magkaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather Jr.

Via unanimous decision, tinalo ni Mayweather Jr. si Pacquiao sa kanilang laban sa Las Vegas noong May 2, 2015.

Nang matapos ang paghaharap nila ni Mayweather Jr., ipinagtapat ni Pacquiao sa publiko na may shoulder injury siya na nakaapekto sa performance niya.

Sa kasalukuyan, malakas ang panawagan ng boxing fans na muling labanan ng dalawa ang isa’t isa, at welcome na welcome ito sa Pinoy boxing champ.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa exclusive interview ng TMZ bago siya lumaban kay Broner, sinabi ng 40-year-old Filipino boxer na twenty-years younger ang kanyang pakiramdam kaya handa siya sa possible rematch kay Mayweather Jr.

"I feel like I'm in my late 20s. The way I work hard, the way I move, it's still the same, nothing's changed," pahayag ni Pacquiao.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Manny Pacquiao
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jhay Otamias via Spin.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results