Joseph Marco, idinagdag sa cast ng Los Bastardos

IMAGE Courtesy of ABS-CBN


Si Joseph Marco ang bagong cast member ng Los Bastardos, ang afternoon television series ng ABS-CBN.

Si Joseph ang idinagdag sa lead stars ng Los Bastardos matapos patayin ang karakter ni Diego Loyzaga na nagkaroon ng personal na problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Albie Casino, Joseph Marco, Jake Cuenca, Marco Gumabao, & Josh Colet
 IMAGE Courtesy of ABS-CBN

Makakasama si Joseph sa ikalawang yugto ng Los Bastardos ang lead stars na sina Jake Cuenca, Albie Casiño, Marco Gumabao, at Josh Colet.

Lorenzo ang pangalan ng karakter na gagampanan niya.

Ang Wildflower ang huling regular television series ni Joseph sa ABS-CBN.

Nagwakas ang Wildflower noong February 9, 2018 kaya halos isang taon na walang regular show si Joseph sa kanyang mother studio.

Coincidentally, Diego ang pangalan ng role na ginampanan ni Joseph sa Wildflower at siya ang karagdagan sa cast ng afternoon show na dating pinagbibidahan ni Diego.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN