Floyd Mayweather Jr., hindi na interesadong labanan ulit si Manny Pacquiao?

IMAGE @floydmayweather / @mannypacquiao on Instagram


Hindi na interesado si Floyd Mayweather Jr. na magkaroon sila ng rematch ni Senator Manny Pacquiao.

Ito ay ayon kay Leonard Ellerbe, ang kaibigan ng controversial American boxer at CEO ng Mayweather Promotions.

 IMAGE @floydmayweather / @mannypacquiao on Instagram

Sinabi ni Ellerbe sa post-fight conference nina Pacquiao at Adrien Broner na retired na si Mayweather Jr. sa boxing at hindi na interesadong labanan muli ang Pambansang Kamao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag ni Ellerbe na wala nang dapat patunayan si Mayweather Jr., na magdiriwang ng 42nd birthday sa February 24.

Sa panayam kay Ellerbe ni Keith Idec ng www.boxing.com, iginiit niyang hindi tungkol sa pera ang lahat.

“Well, it’s not always about the money, believe it or not. It’s not always about the money. What more can the man do?

“You know, he doesn’t have the motivation, the desire. You know, he’s living his best life. Traveling, running his multiple businesses, spending his [hard-earned money], that he spent blood, sweat and tears many, many years [making].

“Well, he’ll be 42 come February 24th and, you know, enough is enough.

"You know, what good does it do you to earn all that money, when you can’t stick around and spend it?

"You know, he’s had a phenomenal career. He’s broke all the records. He has nothing else to prove.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m very happy for him," paliwanag ng kaibigan ni Mayweather Jr.

Lumutang ang balita tungkol sa possible rematch nina Mayweather Jr. at Manny dahil sa hamon ng Pambansang Kamao sa kapwa boxing icon na tumalo sa kanya sa kanilang Fight of the Century noong May 2015.

"If he wants to come out of retirement, then announce it and challenge me," mensahe na ipinarating ni Pacquiao kay Mayweather Jr.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN