First day ng StarStruck VII auditions, dinagsa ng Fil-Ams, gays, at di mga artistahin


Natapos ngayong ala-tres ng hapon, January 21, ang unang araw ng auditions para sa 7th Season ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Nagsimula ng 10 A.M. ang auditions pero kagabi pa lang, 7 P.M., nakapila na sa harap ng Annex Building ng GMA-7 ang mga kabataang nangangarap na maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang sumali sa auditions, may mga Fil-Am, gays, at meron ding hindi pang-artista ang mga hitsura.

Inaasahang madaragdagan pa bukas ang bilang ng mga sasali sa auditions ng StarStruck VII, na magtatagal hanggang February 15, mula Lunes hanggang Biyernes.

Kasado na rin ang nationwide auditions (10 A.M. to 6 P.M.) ng artista search ng Kapuso Network sa January 26 sa Centrio Ayala Mall, Cagayan de Oro City; January 27 sa Robinson’s Place, Butuan City; Pebruary 9 sa SM City Legazpi; at February 10 sa SM City, Naga City.

Mapapanood sa GMA-7 sa June 2019 ang StarStruck.

Kasama si Heart Evangelista sa mga hurado ng Season 7 ng artista search ng Kapuso Network.

Postscript: Kabilang ang mestizo teen-age son ng former Seiko Films sexy star na si Brigette de Joya sa mga sumali sa unang araw ng auditions ng StarStruck.

Ang ex-bold actor na si Miguel Moreno ang ama ng anak ni Brigette.

Noong 2013, hiningi ni Brigette ang tulong ni Korina Sanchez at ng programa nito, ang Rated K, para makuha niya ang custody ng apat na anak nila ni Miguel na tinangay umano nito nang sapilitan. Ayon kay Brigette, battered wife siya ni Miguel na napabalita na nagmamaneho ng taxi nang huminto sa pag-aartista.
Noong June 2018, inaresto si Brigette at ang kinakasama nito na si Mariano Camacam sa San Fernando. Pampanga dahil sa possession of illegal drugs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN