Tumanggap ng batikos si Dennis Trillo, ang bida ng Kapuso primetime series na Cain at Abel, dahil lamang sa photo op nila ni former Senator Bong Revilla Jr.
Ang nasabing larawan ay naka-post sa Instagram account ni Dennis at nilagyan niya ng caption na "Alyas Pogi w/ Elias Pogi."
View this post on InstagramAlyas Pogi w/ Elias Pogi�??�??� �??�? #anakngteteng #returnofthecomeback
Alyas Pogi ang moniker ni Bong at Elias naman ang pangalan ng karakter ni Dennis sa primetime drama action series ng GMA-7.
Bihirang-bihirang pumatol si Dennis sa mga basher, pero hindi niya napigilan ang sarili na sagutin ang mga bumabatikos sa kanila ni Bong.
Nakasabay ang dalawa sa eroplano dahil pareho silang dumalo sa Sinulog Festival ng Cebu City noong Linggo, January 20.
"Ikaw ang hindi nag-iisip dumbass" at "katabi lang sa plane, support agad?" ang mga sagot ni Dennis sa haters at bashers na hinusgahan at binigyan ng malisya ang pagtatabi nila ni Bong sa upuan ng eroplano.
COCO & EDU
Sa kabilang banda, mga papuri naman ang natanggap ng Ang Probinsyano stars na sina Edu Manzano at Coco Martin dahil pinagbigyan nila ang kahilingan ng mga magulang ni Michael Macavinta, ang batang may sakit sa balat na Epidermolysis Bullosa.

Ayon sa Mayo Clinic, ang Epidermolysis Bullosa ay "a group of rare diseases that cause fragile, blistering skin. The blisters may appear in response to minor injury, even from heat, rubbing, scratching or adhesive tape."
Nagpadala ng sulat kay Edu ang mga magulang ni Michael dahil gustung-gusto nitong makilala nang personal ang aktor na iniidolo niya.
Ipinadala sa opisina ni San Juan Vice Mayor Janella Estrada ang sulat para kay Edu na pinagbigyan agad ang kahilingan ng bata.
"Tanging hiling niya lang ay ma-meet ang kanyang idol na si Coco Martin and, recently, we made that happen!
"Maraming salamat, Coco, for giving joy to this brave child. You are truly a blessing to many," pasasalamat ni Edu sa lead actor ng Ang Probinsyano.
Trivia: Parehong naglingkod sina Bong at Edu bilang chairman ng Optical Media Board (OMB).
Si Bong ang chairman ng Video Regulatory Board (VRB) noong 2002 hanggang February 2004.
Siya ang nagrekomenda kay Edu bilang successor niya sa government agency na pinalitan ang pangalan, from VRB to OMB.
Limang taon ( 2004 to 2009) na nanilbihan si Edu bilang pinuno ng OMB.