Celebrity bakers, imbitado sa Bakery Fair 2019


Ang World Trade Center ang venue ng Bakery Fair 2019 na idaraos sa February 15-17, 2019.

Project ng Filipino-Chinese Bakery Association Inc. (FCBAI) ang Bakery Fair 2019.

Umaasa si FCBAI President Peter Fung na lalahok at susuportahan nina Judy Ann Santos, Jennylyn Mercado, Ara Mina, Bettina Carlos, at Maricar Reyes-Poon ang big event ng kanilang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitaan ni Fung na nag-aral ng baking at mahilig mag-bake ang mga nabanggit na artista na iniimbitahan niya na kumuha ng booth at lumahok sa Bakery Fair 2019.

Pinatotohanan ni Fung ang balita na ang choco liquor cake ni Maricar ang isa sa mga pinakamasarap at in demand sa mga consumer.

Homemade cookies naman ang online business at specialty ni Jennylyn, samantalang supplier ng cakes ang Hazelberry Café ni Ara Mina.

Ang restaurant ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ang isa sa mga kliyente ni Ara.

"We look forward to see you all at the Bakery Fair 2019, the 11th International Exhibition on Bakery, Confectionery, Food Service Equipment and Supplies on February 15, 16 & 17, 2019 at the World Trade Center," imbitasyon ni Fung sa mga celebrity baker at mga nagnanais na sumali sa Bakery Fair 2019.

Nabanggit ni Fung na highlight ng big event ng FCBAI ang 7-ft.cake na tulong-tulong na gagawin ng mga miyembro ng kanilang organisasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga hindi nakakaalam, mga miyembro rin ng FCBAI ang mga supplier ng burger buns ng leading fastfood chains sa Pilipinas.

Para sa mga interesado na maging bahagi ng Bakery Fair 2019, makikita ang kumpletong detalye sa website ng FCBAI sa www.fcbai.com.ph.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN