Ariel Rivera, hindi kumportableng pinapanood ang sarili sa screen


Ang 1997 Star Cinema movie na Ikaw Pala ang Mahal Ko ang huling pagtatambal sa pelikula ng real-life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen.

After 22 years, muling mapapanood sa big screen ang mag-asawa sa comedy movie na Ang Sikreto ng Piso na ipalalabas sa mga sinehan simula sa January 30, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang ipakita kanina sa presscon ang mga piling eksena at trailer ng Ang Sikreto ng Piso, napansin naming sa cast members ng pelikula, bukod-tanging si Ariel ang hindi nagpakita ng interes na manood.

Nasagot ang aming pagtataka sa inasal ni Ariel dahil sa ikinuwento ni Gelli tungkol sa ugali ng asawa niya nang mapag-usapan ang kanilang dalawang anak na lalaki.

View this post on Instagram

Happy New Year!!!! #riverafantastic4

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen) on

"They have no interest in what we do, which is actually a bonus," sagot ni Ariel nang tanungin tungkol sa kawalan ng interes sa showbiz ng mga anak nila.

"Wala silang hilig sa mga kanta ko," sabi ni Ariel.

Mabilis naman itong kinontra ng asawa niya.

"Meron! Ayaw lang niya [Ariel] kasi na patugtugin yung mga kanta niya habang nandiyan siya.

"Ayaw niya na pinapanood ang show niya kapag nandiyan siya, pero gusto nilang pakinggan yung kanta mo, ayaw mo lang," pambubuko ni Gelli kay Ariel.

Dahil sa pahayag ni Gelli, naintindihan namin ang pinanggagalingan ni Ariel dahil may mga artistang kagaya niya at ni Sam Milby na hindi kumportableng pinapanood ang sarili sa mga pelikula at teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakumbinsi si Ariel na tanggapin ang pagbibida sa Ang Sikreto ng Piso dahil gusto niyang makaranas na gumanap ng comedic role, at talagang interesting ang kuwento ng second movie teamup nila ni Gelli.

"It's really interesting. Ako, gusto ko talaga.

"ABS, sabi ko, 'Give me naman a comedic role.'

"Hindi nila ibinibigay sa akin, 'tapos the story interested me, yung gusto ko sa piso. Very choosy ako," paliwanag ni Ariel.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN