Original script ng pelikula nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, ninakaw

IMAGE Perry Escano Instagram


Bakas sa boses ng direktor na si Perry Escaño ang hinanakit nang ikuwento niya ang tunay na dahilan kaya natagalan ang shooting at playdate sa mga sinehan ng kanyang bagong movie project, ang Ang Sikreto ng Piso, na pinagbibidahan ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Direk Perry Escano with Gelli de Belen and Ariel Rivera
 IMAGE Perry Escano Instagram

Ayon kay Escaño, naurong nang naurong ang filming ng Ang Sikreto ng Piso dahil ninakaw mula sa kanya ang original script na isinulat niya.

"Masakit man po isipin para sa akin bilang isang filmmaker, yung original script po ay nanakaw.

"Yung script [ng pelikula] na umiikot ngayon sa mga school, gawa ko po yun.

"Ang masakit pa sa akin, yung script na ginawa ko is taga-industry rin mismo na pinagkatiwalaan ko na producer.

"Ayoko na lang i-reveal," paliwanag ni Escaño.

Dahil nawala sa kanya ang original script ng Ang Sikreto ng Piso, kumuha ng co-writer si Escaño at pinagtulungan nilang i-revise ang kuwento ng pelikula nina Gelli at Ariel.

Para hindi na maulit ang kanyang malungkot na karanasan at dahil nahihirapan nang magtiwala, ipinarehistro ni Escaño sa National Museum ang Ang Sikreto ng Piso bilang patunay na intellectual property niya ang kuwento at siya ang may hawak ng copyright.

Walang binanggit na mga pangalan si Escaño, pero alam ng mga taga-industriya ang project na tinutukoy niyang pinagbidahan ng isang komedyante at ipinalabas sa mga sinehan noong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN