Arjo Atayde, pinanindigan ang nararamdaman para kay Maine Mendoza

by Jojo Gabinete
Jan 23, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Hati ang reaksiyon ng fans ni Maine Mendoza sa pag-amin ni Arjo Atayde na exclusively dating sila ng TV host-actress.

May mga nalungkot, lalo na ang fans ng AlDub, dahil nawala na ang pag-asa nilang mangyayari pa rin sa tunay na buhay ang onscreen love team nina Maine at Alden Richards.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Kung may mga nadismaya at bayolente ang reaksiyon, marami naman ang natuwa para kay Maine dahil, sa wakas, may isang lalaking nagsabi ng katotohanan tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, nanindigan at hindi natakot na maging biktima ng bashing.

Hindi si Arjo ang unang showbiz personality na napabalitang nagkaroon ng kaugnayan kay Maine dahil na-link na rin ito kina Sef Cadayona at Juancho Trivino.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang pagkakaiba lang, pinili ng dalawang manahimik at huwag magsalita para hindi na madagdagan pa ang galit ng mga supporter ni Maine at makaiwas na sila sa mga hater at basher.

Hindi masisisi si Maine kung mahulog man ang kalooban nito kay Arjo dahil nakatagpo siya ng lalaking matapang na hinaharap ang lahat ng mga tutol sa kanilang pagkakamabutihan.

Para sa mga kababaihan, malaking puntos na ipinaglalaban at pinoprotektahan sila ng mga manliligaw nila.

Posibleng ito ang naramdaman at nakita ni Maine kay Arjo mula nang maging malapit sila sa isa’t isa sa set ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Continue reading below ↓

Tiyak na pinangalagaan din nina Sef at Juancho ang career ni Maine at may personal na dahilan din ang kanilang pananahimik, pero baka naiba ang kuwento ng romantic involvement nila sa dalaga kung hindi sila nagpaapekto at nagpatalo sa mga basher at hater.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results