Pops Fernandez, kasama sa international talent show na ihu-host ni James Corden

by Jojo Gabinete
Jan 25, 2019
PHOTO/S: Pops Fernandez Instagram

Ang pagiging isa sa 50 Wall of the World judges ng The World’s Best ang bagong accomplishment ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

Ang The World’s Best ang bagong global talent competition series ng CBS at sa February 3, 2019 ang pilot telecast ng programa.

Si James Corden ang host ng The World’s Best, judges sina Drew Barrymore, RuPaul, at Faith Hill.

Kabilang naman si Pops sa international panel ng 50 sa most accomplished experts sa entertainment na mula sa 38 bansa, at siya ang official representative ng Pilipinas.

Nagsanib-puwersa sina Mike Darnell at Mark Burnett kaya nagkaroon ng katuparan ang The World’s Best.

Si Mike ang itinuturing na "King of Reality TV" dahil ang American Idol, The X Factor, at Master Chef ang ilan sa mga successful project niya.

Samantalang si Mark ang executive producer ng The Voice, Survivor, at The Contender.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Pops sa kanyang Instagram account ang participation niya sa The World’s Best bilang isa sa Wall of the World Judges dahil kasama ang kanyang pangalan sa mga publicity na lumabas para sa upcoming show ng CBS.

"I am so excited to announce that I will be one of the 50 #WalloftheWorld judges representing the Philippines in the biggest and the best new show... The Worlds Best!!!!

"It'll be hosted by award winning James Corden with 3 superstar judges...Drew Barrymore, RuPaul and Faith Hill. I also got to work with 49 of the best talents from all over the world!!!

"This is the best show ever! This will premiere in the US on Feb3, right after the SuperBowl on CBS. It´s sooooo exciting!!!” ang overwhelmed na pagbabalita ni Pops sa kanyang Instagram account tungkol sa bagong chapter ng kanyang 37-year-old entertainment career.

Nauna nang napaulat na ang TNT Boys ang kinatawan ng Pilipinas sa nasabing talent search.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Pops Fernandez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results